Coney ibinukong sobrang istrikto siya noon kay Vico
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - March 21, 2020 - 12:00am

Very proud Mom si Ms. Coney Reyes sa anak nitong si Pasig City Mayor Vico Sotto na puring-puri sa social media dahil sa aktibo at mabilis na pagpapatupad ng mga hakbang sa lungsod laban sa kumakalat na COVID-19.

Umamin naman si Coney na noong maliit pa si Vico, isa siyang disciplinarian at maka-Diyos sa pagpapalaki sa anak.When he was younger, I was really much stricter, now I do not interfere because I just believe that I raised him in the ways of the Lord,” sabi pa ni Coney.

Napapanood naman gabi-gabi si Coney sa Love of My Life sa GMA 7.

Mga empleyado ng GMA, hindi nganga

Tuloy ang GMA Networks sa pagtulong sa kanilang employees and talents during the enhanced community quarantine sa Luzon dahil sa COVID-19.

Tatanggapin ng employees ang full salary nila kasama ang cash equivalent ng kanilang rice benefits, ganoon din ang year-round medicine allowance at health card benefits.

Kahit ang talents at project employees nila ay matatanggap ang kanilang sweldo sa March 25 at 30. Dagdag pa rito, matatanggap din nila ang cash advance nila sa April 10 at April 15.

Encantadia nag-trending kahit replay

Last Thursday evening nagsimulang umere muli ang top-rating epic serye na Encantadia kapalit ng Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun na pansamantalang hindi muna mapapanood dahil stop taping sila ng fresh episodes.

Nagpasalamat si Director Mark Reyes sa kanyang Instagram. July 18, 2016 unang ipinalabas ang Encantadia at nagtapos ito ng May 19, 2017 dahil kahit replay ito super trending naman ito.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with