Ivana at Kit magpapainit sa mga gagawin
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - February 22, 2020 - 12:00am

How lucky nitong bagong contract talent ng Kapamilya na si Ivana Alawi.

Aba, in her first series na gagawin, Lihim Ni Ligaya, she is not only playing the title role but is teamed up as well with fellow new Kapamilya Kit Thompson, a new contract talent din ng Network.

Hindi ang Ligaya ang unang project nina Ivana at Kit na magkasama. Una silang napanood sa Sino Ang May Sala? Mea Culpa, kasama sina Jodi Sta. Maria, Bella Padilla, Ketchup Eusebio at Tony Labrusca.

Of Kit, he currently plays a kontrabida in the ongoing Kapamilya series, Pamilya Ko, starring Joey Marquez, Sylvia Sanchez, Perla Bautista, Kiko Estrada and JM de Guzman, among others.

Introducing sa Pamilya Ko si Alyssa Muhlach, anak ng actress na si Almira Muhlach and former top cager Bong Alvarez. Tito niya ang award-winning and box office actor na si Aga Muhlach.

Kiko gusto nang pakasalan si Devon

Of Kiko Estrada nga pala, he doesn’t deny he is seriously in love with his girlfriend, Devon Seron, whom, this early, Kiko says he wants to marry in time.

Right now, however, Kiko is only 24. Twenty five naman si Devon na lumabas na rin sa Korean projects.

Kiko’s dad, of course, is former actor-turned-politician Gary Estrada. His Mom is Cheska Diaz, anak ng dating sikat na kontrabida na si the late Paquito Diaz.

Jerald gusto na ring mapangasawa si Kim

Of actors in love, former theater performer and comedian cum serious actor as well, Jerald Napoles says six years na silang mag-on ng ngayong fellow Viva Films talent niyang si Kim Molina.

Kino-consider na raw niyang ideal wife para sa kanya si Kim.

Pareho silang napapanood ngayon sa top action series na FPJ’s Ang Probinsyano. They are not team up in the series, though.

Soon, however, they will do a movie together, Ang Babaeng Walang Pakiramdam, isa sa 34 films na iri-release ng Viva Films this year.

Alex at Empoy magkikita sa Paris!

Guess, Salve A., who will soon reunite in a movie?

Walang iba kundi sina Alessandra de Rossi and Empoy Marquez, na itinuring na phenomenal hit ang kanilang first movie together, Kita Kita, which was released in 2017. Idinirek ito ni Sigrid Andrea Bernardo.

Kita Kita was produced by actor Piolo Pascual, with direk Joyce Bernal and Erick Raymundo, for Spring Films.

Alessandra has lately focused on directing film and, of course, do acting job din. Bida siya sa Watch List, kung saan gumaganap siya bilang ‘tokhang widow’.

Si Empoy naman ay featured sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Another thing which keeps Empoy busy is a restaurant he opened a year ago in Baliwag Bulacan.

Yes, Bulakenyo si Empoy.

Of the film na pagtatambalan muli nina Alessandra at Empoy, it will be titled daw Kita Kita Sa Paris. Kaya, more or less my ideya na kayo kung saan ang location ng movie.

Wala pang katiyakan kung si direk Sigrid Andrea Bernardo ang magdidirek. Busy kasi with some new film assignments si direk, who directed the Xian Lim and Cristine Reyes team-up, Untrue, now showing in cinemas nationwide.

IVANA ALAWI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with