Anne may hangover pa kay Gong Yoo
May hangover pa si Anne Curtis sa pagkikita nila ng Korean superstar na si Gong Yoo.
Kahapon ay posted sa kanyang IG story ang thank you card ng luxury brand na nag-invite sa kanya sa Korea na naging way para finally ay matupad ang dream niyang makilala ng personal ang kinababaliwang K actor. “Home SWEET Home.
“Thank you again @louisvuitton
“2 pics in this frame making me feel like a lucky girl The one up top makes me more kilig though.
“Uuuuuy ohhhhh @erwan.”
Super idol din ni Megastar Sharon Cuneta si Gong Yoo kaya wini-wish din ng followers ni Mega na magkita rin sila ng personal.
Car X Jagger kakaiba ang kuwento
Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Cara X Jagger starring Jasmine Curtis and Ruru Madrid.
Kakaiba ang premise ng movie na dinirek ni Ice Idanan for APT Entertainment.
At meron din silang surprise guest sa movie na showing na tomorrow, Wednesday.
In all fairness kay Ruru, hindi naman siya nagpaiwan sa mga eksena nila ni Jasmine na kilalang mahusay na actress.
Dalawang primetime series magba-babu na raw
Dalawang primetime series - ABS-CBN and GMA 7 - diumano ang magkasunod na magba-babu sa ere.
Yup, may inihahanda na raw papalit ang Kapuso Network sa nasabing primetime series na hindi tumaas-taas ang rating.
Ang sa Kapamilya Network naman daw ay hindi na kayang pahabain ang kuwento ng teledrama kaya kahit mataas ang rating nito, tatapusin na rin early next year.
- Latest