Mother Lily Monteverde
Buhay ni Mother mas interesting
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - August 6, 2019 - 12:00am

Na-excite ako sa balita na magiging pelikula na ang life story ni Mother Lily Monteverde dahil kilala ko siya nang personal.

It’s about time na gumawa ng pelikula tungkol kay Mother dahil sa malaki ang kontribusyon niya sa Philippine movie industry.

Kilalang-kilala ko si Mother at marami akong alam tungkol sa kanyang personal life kaya sure ako na maraming pelikula na matatalbugan ang bioflick niya.

Nakakatawa, madrama, thrilling at inspi­ring ang buhay ni Mother Lily na nagsimula bilang movie fan hanggang maging successful film producer.

Sa dami ng mga natulungan at napasikat ni Mother, a cast of thousands ang kailangan para mabuo ang kuwento ng buhay niya.

Puwedeng kasing-haba ng mga pelikula na ginagawa ni Lav Diaz ang running time ng pinaplano na pelikula tungkol sa buhay ni Mother dahil sa dami ng mga interes­ting story na panahon na para malaman ng publiko.

Willing ako na magpainterbyu sa researchers ng pelikula kung kailangan para sa mga additional kalokahan ni Mother in a good way kapag magkasama kami.

Tiyak ko na hindi magiging boring ang isasapelikula na talambuhay ni Mother dahil mas interesting ito kesa sa mga kuwento ng mga pelikula ng Star Cinema, Viva Films at maging ng Regal Films.

Isa lang ang pinoproblema ngayon ng mga sumusubaybay sa project na niluluto ng Reality Entertainment, kung sino ang gaganap na Mother Lily sa pelikula.

Maraming puwedeng pagpilian pero kailangan, mahusay sila na artista para mabigyan nila ng justice ang kakaibang karakter ni Mother Lily.

Lumilitaw ang mga pangalan nina Judy Ann Santos, Vilma Santos, AiAi Delas Alas, Zsa Zsa Padilla, Kim Chiu at marami pang iba.

Take note, nakagawa ng pelikula sa Regal Films ang mga nabanggit na stars kaya may personal interaction sila kay Mother. Kahit sino sa kanila ang mapili.

Well-loved si Mother Lily sa showbiz. Pupusta ako na maraming artista ang papayag na magkaroon ng special participation without any talent fee sa pelikula tungkol sa colourful life ni Mother.

Kung tutuusin, puwede nang mamuhay nang kompor­table si Mother pero hindi niya magawa na talikuran ang movie making business sa panahon na maraming pumapatay sa movie industry dahil sa kanyang kagustuhan na maghatid ng kaligayahan sa lahat sa pamamagitan ng mga pelikula ng Regal. Hanggang ngayon nga, fan pa rin ang tingin ni Mother sa sarili kaya patuloy siya sa paggawa ng mga pelikula.

MOTHER LILY MONTEVERDE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with