^

Pang Movies

Bikini photos ni Kim, pang-collector’s item na!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Bikini photos ni Kim, pang-collector�s item na!
Kim Chiu

Naku, collector’s item pala ang sexy pic ni Kim Chiu na pinagpipistahan ngayon sa social media dahil after two years na raw siyang magsusuot muli nito ayon sa komento niya kay Kakai Bautista, huh!

“Ganooooonyan!!!,” komento ni Kakai sa pic ni Kim.

Tugon naman ng Chinita Princess sa kanya, “Minsan ang yan kiffss next swimsuit after 2 years na! Bwahahaha idol kita eh! #nangahasmagbiwsuit hahaha.”

Sa mga unang picture ni Kim, kung hindi malayo ang kuha ng kamera sa kanya, eh, nakatagilid naman ‘yung iba.

Hindi lang kami sure kung sa Balesin Island pa rin ang ginawang paglalantad ni Kim ng kaseksihan. Sa una niyang post, kasama niya sa mamahalin at exclusive resort si Roselle Monteverde, direk Eric Quizon, Leah Calmerin at kapatid ni Kim.

Matagal hinintay ng fans ni Kim at siyempre ang kalalakihang nagpapantasya sa kanya na magpakita naman siya ng taglay niyang kaseksihan. Tutal naman, pinasok na rin niya ang mas daring at mature na role sa filmfest entry ng Regal na One Great Love kung saan pag-aagawan siya nina Dennis Trillo at JC de Vera, huh!

Aba, may karapatan naman si Kim maglantad ng katawan, huh!

AiAi inuna ang mga matatanda sa birthday

Pinasilip ni AiAi de las Alas ang pre-birthday celebration niya sa Instagram sa ginanap na charity work niya sa Missionaries for Charity last Friday kasama ang mga matatanda.

Inuuna muna ni Ai ang elderlies doon bago ang pansariling selebrasyon. Very touching ‘yung pakikihalubilo niya sa ilang nakakakila pa sa kanya habang ‘yung ibang naka-wheel chair ay nakatingin lang sa kanya.

“Tuwing bday ko sila ang kasama ko na pinaglilingkuran bilang pasasalamt sa ating Panginoon – and reminding myself how blessed sa binibigay niyang biyaya ng buhay. TO GOD BE THE GLORY AMEN,” caption ni Ai Ai sa video.

Idolo ni AiAi si Mother Teresa kaya inilabas niya ang isang quotation mula sa kanya na “Not all of us can do great things, but we can do small things with great love.”

Siyempre, may pasabog din na bonggang flowers ang kambal niyang si Marian Rivera na sinamahan ng kahun-kahon na naturactor, huh!

Kahapon, November 11, ang talagang kaarawan ng Comedy Queen.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with