^

Pang Movies

Comedy sitcom nina Maine at Vic, huhusgahan na

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Comedy sitcom nina Maine at Vic, huhusgahan na
Vic, Maine

Tonight na ang pilot telecast ng pinakahihintay na sitcom ng fans ni phenomenal star Maine Mendoza, with her favorite daddy, Bossing Vic Sotto, ang Daddy’s Gurl.

Isang malambing na anak naman si Maine bilang si Visitacion Otogan, na nang lumuwas sa Maynila ay pinalitan ang pangalan bilang Stacy, isang social media trendsetter/influencer/digital maven at daily goal niya is to trend on social media araw-araw.

Kasama rin nila si Wally Bayola bilang si Marikit Otogan, asawa ni Barak at ina ni Stacy. Makikigulo rin sa mag-ama sina Oyo Sotto, Angelika dela Cruz, Chamyto, Benjie Paras, Chichirita, Jelson Bay at si Kevin Santos, bilang ang pamintang kaibigan ni Stacy.

“In-enjoy ko po ang taping at excited ako laging gawin ang role ko bilang si Stacy,” sabi ni Maine. “Ganito po kasi ang mga gusto kong role, at gamay ko na po naman si Bossing Vic dahil araw-araw kaming magkasama sa Eat Bulaga. Para ko na siya talagang second tatay.”

“Wala naman akong reklamo sa pagiging professional ni Maine,” sabi naman ni Vic.

Mula sa M-Zet Productions at sa direksyon ni Chris Martinez, tiyak na magiging Saturday night habit ninyo ang panonood ng Daddy’s Gurl.

Janine busy sa kasal ng nanay

Wala pang direktang na pag-amin si Janine Gutierrez na sila na nga ni Rayver Cruz pero hindi naman siya tumatanggi. Sa taping ng Victor Magtanggol, nakumusta si Janine kung tapos na ang ginagawa niyang movie sa Regal Films, ang Elise katambal si Enchong Dee at inaming may kissing scene sila. Ikinuwento raw niya iyon kay Rayver at wala raw namang problema kay Rayver, no pressure sa kanila iyon.

Bukod sa VM, busy rin si Janine sa pagtulong sa paghahanda ng garden wedding ng mother niyang si Lotlot de Leon sa December.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with