Janine may bagong pelikulang kakantahan
Ipinasilip na sa mga sinehan ang trailer ng pelikulang Para Sa Brokenhearted mula sa panulat ni Marcelo Santos III at agad na tumatak sa moviegoers ang theme song nito, titled Ang Awit Natin, kung saan si Janine Teñoso pala ang kumanta.
Si Janine rin kasi ang kumanta ng ‘Di Na Muli na orihinal na kanta ng Itchyworms, napasama rin ito sa OST ng Sid and Aya (Not A Love Story).
Ang pelikulang Para Sa Brokenhearted ay obviously para sa mga taong sawi sa pag-ibig, tampok dito sina Yassi Pressman, Shy Carlos, Louise delos Reyes, Marco Gumabao at Sam Concepcion.
Walang kupas talaga ang boses ni Janine, sa una ay aakalain mong si Moira dela Torre ang kumakanta pero pag pinakinggan mo nang mabuti, magkaiba pala sila ng style na ginagamit.
Marahil ay magkaboses sila may kanya-kanya pa rin silang galing pagdating sa pagkanta.
Excited na ang fans ni Janine sa paglabas ng pelikulang ito at sa mga susunod pa niyang kakantahin. Nakakatuwa at nagbunga na rin ang kanyang pagtitiyaga.
- Latest