^

Pang Movies

Araneta todo promote sa concert ni Ogie

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Araneta todo promote sa concert ni Ogie
Ogie Alcasid

Natuwa si Ogie Alcasid nang ikuwento ko sa kanya na puro songs niya ang pinatutugtog sa Green gate entrance ng Smart Araneta Coliseum during Anne Curtis’ AnneKulit (Promise Last Na ‘To) concert noong Saturday.

Sabi ko kay Ogie, magandang promo ‘yon para sa kanyang OA 30th Anniversary concert na mapapanood din sa lugar na ‘yon ngayong Friday (August 24).

Pinadala ko pa kay Ogie ang video na kuha ko at ang sabi niya ay, “Ang cute naman!”

Mukhang ‘yon ang support sa kanya ng Smart Araneta Coliseum dahil noong August 13 ay nagpunta siya sa ticketnet doon para mag-meet and greet sa mga fan na bumibili ng kanyang OA concert tickets.

Natuwa nga ang tickets buyers nang gabing ‘yon dahil nakipag-bonding sa kanila si Ogie.

Advance na nga naman nilang nakita si Ogie at nagawa pa nilang makipagtsikahan at magpa-picture sa mister ni Regine Velasquez-Alcasid.

Concert ni Anne pinupuri

Ibinigay ni Annabelle Rama sa anak na si Ruffa Gutierrez ang two extra tickets niya ng AnneKulit (Promise Last Na ‘To) concert.

Isinama naman ni Ruffa ang kaibigang si Samantha Lopez.

Nakakaloka lang dahil nagkagulu-gulo na sa pag-upo dahil may nakaupo na sa dapat ay upuhan nila, kaya si Samantha, sa second row na umupo katabi ko.

Maganda sa kung maganda ang concert ni Anne, pero may nagsabing dapat ay last na talaga ‘yon para huwag namang magsawa ang mga tao.

Miss Granny ni Sarah hindi kailangan ng gimik

Nanood ng concert na ‘yon si Matteo Guidicelli.

Sabi ng mga nanood din ng AnneKulit (Promise Last Na ‘To) concert, obvious na si Sarah Geronimo na special guest ni Anne ang pinanood ni Matteo.

Going strong ang relasyon nina Matteo at Sarah at napapabalita pang next year ay magpapakasal na sila.

Hindi nga pala ako magtataka kung sa Wednesday ay isa si Matteo sa mga ­unang manonood ng Miss Granny movie ni Sarah.

Parehong nagsusuportahan sa kanilang mga proyekto ang mag-sweethearts.

Kahit sina James Reid at Xian Lim ang leading men ni Sarah sa Miss Granny, si Matteo pa rin ang madalas na matanong sa kanya sa mga interview.

Wala namang problema sa bagay na ‘yon dahil hindi naman gumawa ng gimik ang mga taga-Viva Films at hindi nga nila ini-link si Sarah sa Miss Granny leading men.

Jason welcome pa rin sa Kapamilya

Ang dating Kapamilya star at ngayon at certified Kapuso actor na si Jason Abalos sa All Star Game 2018 ng Star Magic sa Smart Araneta Coliseum kahapon.

Mukhang sinuportahan ni Jason ang mga dati niyang kasamahan sa Star Magic.

Naka-blue jersey si Jason, kaya obvious na ang Team Blue ni Gerald Anderson ang sinuportahan niya.

Mukhang naging maayos naman ang pagpapaalam ni Jason sa ABS-CBN bago siya lumipat sa GMA 7 kaya welcome naman siyang bumisita sa mga ganoong event ng dating TV network.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with