^

Pang Movies

Liza umeksena sa pinakaunang libro ni Ogie Diaz

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakilala siya bilang komedyante sa telebisyon at pelikula at kasalukuyan ay sumisikat din sa social media dahil sa kanyang mga no-nonsense quotes. Ngayon ibabahagi naman ng komedyante, showbiz radio anchor at talent manager na si Ogie Diaz ang ilan sa kanyang mga nakakatawang hirit sa kauna-unahan niyang libro mula sa ABS-CBN Publishing Inc., ang Pak! Humor.

Ayon sa subtitle nito, “Life Is Short. ‘Wag Kang Nega,” isinulat ng bagong author ang libro para magdala ng positibong energy para sa mga mambabasa. “Puro good vibes lang ang mababasa nyo sa librong ito,” na makukuha anya sa mga joke at kuwentong ibinahagi niya mula sa kanyang personal na buhay. 

Siguradong hahalakhak ang mga mambabasa sa mga hirit niya base na rin sa araw-araw niyang karanasan, mga napagtanto bilang talent mana­ger, at mga kuwento niya bilang gay dad sa limang anak na babae.

Bukod sa mga nakakatuwang istorya, magsisilbing inspirasyon ang libro sa mga naghihirap abutin ang kanilang mga pangarap. Ibinahagi niya ang pagsisimula bilang entertainment writer, bilang stand-up comedian, at ilan pang mga pagsubok sa buhay.

Isinulat din niya ang ilan sa mga kuwento tungkol sa pagsisimula ng kanyang talent, ang Kapamilya actress na si Liza Soberano. Tampok sa Papa Ogie says portion ng libro ang kanyang payo rito na “Liza, gamitin mong hugot sa pag-arte ang mga rejections na natanggap mo. Balang araw, makakabawi rin tayo.”

Nagbahagi rin ang komedyante ng kuwento tungkol sa kanyang ina na pinalaki siya at ang kanyang pitong kapatid, pati na rin ang masakit na karanasan ng kanilang pamilya nang holdapin at patayin ang taxi driver na ama habang pumapasada ito.

Layunin ng bagong proyektong ito ang makalikom ng pondo para sa mga cancer patients at survivors sa ilalim ng Philppine Foundation for Breast Cancer Inc. Ang ilang bahagi ng book sales ay ilalaan para makatulong sa mga nasabing benepisyaryo.

Matuwa at matawa sa Pak! Humor ni Ogie, available na sa National Book Store outlets nationwide sa halagang P185.

BATA, dalawa ang ina

Ngayong Sabado, inihahandog ng Magpakailanman ang isa na namang pang-anibersaryong presentasyon, na tiyak na kukurot sa inyong mga puso. Ito ang viral story ni Ramram at ng kanyang dalawang ina.

Itinatampok sa episode na pinamagatang Isang Bata, Dalawang Ina sina Yasmien Kurdi bilang Mary Jane at Sharmaine Arnaiz bilang Hani. Makakasama rin sina Ina Feleo, Ri­chard Quan, Dentrix Ponce, Euwenn Aleta, Bing Da­vao, Erlinda Villalobos, Jayzelle Suan, Elijah Alejo, Liezl Lopez, at Mae Bautista.

Mula sa Mindanao ay nagdesisyong lumipat manirahan sa Maynila si Hani kasama ang asawa niyang si Yasser at ang dalawa pa nilang anak na sina Ramram at Janine, para makalimot sa pagkamatay ng apat na buwan pa lang nilang bunsong anak noon na si AJ. Ngunit ilang buwan pa lang silang naninirahan sa Maynila, isang dagok na naman ang dumating sa buhay ni Hani, nang makidnap ang isa pa niyang anak na si Ramram.

Wala pang muwang noon si Ramram nang matagpuan ni Mary Jane sa loob ng inuupahan niyang boarding house sa Tondo. Iniwan daw ito ng umano’y mga magulang nito sa may-ari ng boarding house na si Diding ngunit hindi na binalikan. Dahil sa awa, simula noon ay nagpalitan sina Diding at Mary Jane sa pag-aalaga sa bata na tinawag nilang Joshua. At hindi nagtagal, tuluyan na itong napunta sa pangangalaga ni Mary Jane.

Pitong taon ang dumaan, ngunit hindi pa rin sumuko si Hani sa paghahanap sa anak. Nagpakalat siya ng mga litrato ni Ramram sa social media at naglabas pa ng pabuya para sa makakapagturo sa kinaroroonan nito. Naging viral ang kuwento ni Hani sa social media at ito ang naging hudyat ng muli nilang pagtatagpo ng nawala niyang anak na si Ramram.

Mula sa direksyon ni Gina Alajar, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA 7.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with