Nadine ididirek si James!
Bongga rin si Nadine Lustre. Direktor na rin siya. Yup you read it right.
Siya ang magdi-direk ng bagong music video ng boyfriend niyang si James Reid para sa kantang The Life. Sa kanyang IG stories nung isang araw niya ito nabanggit.
Pero may co-director naman si Nadine, si Petersen Vargas, base sa IG story niya.
Temporary break si Nadine sa showbiz commitments since her birthday na pinalipas niya sa Japan kasama ang pamilya at si James. Grieving ang pamilya ni Nadine matapos ngang mawala ang nakababata niyang kapatid.
Aktor kapos sa height at charisma
Kahit anong ganda ng role kung walang star value ang artista, walang mangyayari.
Ganito ang kapalaran ng isang actor na nabigyan ng break pero kapos nga siya sa charisma/charm na kailangan ng isang artista para sumikat at kumita sa takilya ang pelikula. Hindi pa siya katangkaran.
Eh ‘yun pa namang ka-partner ng actor na ito sa pelikulang ginawa niya ay promising at may potential na sumikat kaya nakakahinayang ang kapalaran.
- Latest