^

Pang Movies

Ella nagpaliwanag sa pagmamaldita

SHOWBIZ UPDATE - Pang-masa

Nilinaw na ni Ella Cruz ang issue na tinanggihan niyang makasama ang beauty queen na si Ganiel Krishman sa nakaraang Miss Manila beauty pageant, sa grand presscon ng first team-up nila ng ka-love team na si Julian Trono, ang Fan Girl/Fan Boy.  Sabi ni Ella, nag-text na raw sa kanya si Ganiel at sina­bing hindi siya ang nasa blind item na tungkol sa pagmamaldita raw ni Ella. Unang-una hindi raw siya tumatanggi kung sino ang makakasama niya sa dressing room. Ang liit nga raw ng dressing room nila, pero in-accommodate nila lahat ng mga kasama nilang dancers doon.

But how true na kaya nag-deny si Ganiel ay dahil talent na rin siya sa Viva kaya in-advice na huwag na lamang magsalita tungkol sa issue?

Biniro tuloy si Ella na baka magkatotoo na magmaldita siya kung tumabo sa takilya ang kanilang movie ni Julian na dinirek ni Barry Gonzales na mapapanood na nationwide on September 6.

“Hindi po, sinabi ko sa mga taong nakapaligid sa akin hindi ako magbabago,” sabi ni Ella. “Kung darating po iyon, pwede n’yo akong batukan. Matagal na po ako sa showbiz, nagsimula po akong child star, kaya natutuwa ako na marami na akong nakasamang artista na malalaki na ang pangalan na hindi po nagbago, at ganoon po ang gusto ko, ayaw ko pong biguin ang mga taong nagtitiwala sa akin.”

Samantala, very close na pala si Julian kay Ella dahil mga bata pa lang sila, nagkasama na sila sa children show na Tropang Potchie ng GMA-7.

Wala pa raw silang label at hindi sila mapilit na umamin. Hindi raw sila nanloloko ng mga tao at ini-enjoy lamang nila ang kanilang friendship.

“Pero kung dumating po iyon sa punto na magkatotoo hindi po namin pipigilin,” sabi ni Julian. “Basta sa ngayon ay ini-enjoy po namin ang work and opportunities na dumarating sa amin, hindi muna ang lovelife.”

Walong entries ng CineFilipino pinangalanan na

Tapos na ang Cinemalaya Film Festival at kasalukuyang tinatangkilik ng mga manonood ang entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng FDCP.  At soon, ang 2017 Metro Manila Film Festival sa December naman ang dadayuin ng mo­viegoers.

Pero noong Thursday, ang unang film festival na magaganap sa March 2018 na 3rd CineFilipino ay maagang nagkaroon ng announcement ng walong Feature Length Finalists sa pamamagitan ni Festival Director Madonna Tarrayo at tinutulungan ng Head of Competition na si Direk Joey Reyes.

The eight official entries are Delia at Sammy ni Therese Cayaba; Mata Tapang ni Rod Marmol; The Eternity Between Seconds ni Alec Figuracion; Excuse Me Po ni Ron Batallones; Poon ni Roni Benald; Hit Boy ni Bar Ocampo; Kahit Man Lamang Kung Maaari ni Donalyn Baltazar at Mga Mister ni Rosario ni Ronal Allan Habon.

Nasa150 entries ang pinagpilian ng walong official entries.  Ang CineFilipino Film Festival ay organized and led by Unitel head Tony Gloria at nakipag-partnership sila this year sa MVP Group including Cignal Entertainment with its president Jane Jimenez Basas.

Ipinaalaala rin ng CineFilipino na patuloy pa silang tumatanggap ng entries para sa Short Film and Digital Content categories hanggang sa September 30, 2017.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with