^

Pang Movies

Pelikula nina Anne, Paolo at Dennis dinagsa pagkatapos ng bagyo

THE GAME OF MY LIFE - Lolit Solis - Pang-masa
Pelikula nina Anne, Paolo at Dennis dinagsa pagkatapos ng bagyo
Paolo Ballesteros, Dennis Trillo, at Anne Curtis

Nanahimik na ang mga naninira sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! dahil magaganda at positive ang mga feedback mula sa mga nakapanood ng pelikula nina Anne Curtis, Paolo Ballesteros at Dennis Trillo.

At dahil sa mga bonggang comment at word of mouth na entertaining ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?!, pinipilahan ito sa takilya.

Nagbukas sa mga sinehan ang pelikula nina Anne, Paolo, at Dennis bago nanalanta sa Northern Luzon ang super typhoon na si Lawin.

Naturalmente, hindi muna lumabas ng bahay noong Huwebes ang mga tao dahil afraid nga sila kay Super Typhoon Lawin kaya affected din ang mga sinehan.

Pero nang mag-babu sa Pilipinas si Lawin, ang panonood ng sine ang inatupag ng madlang-bayan at para makalimutan nila kahit sandali ang mga problema, ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! na isang funny movie ang kanilang inuna na panoorin, hindi ang pelikula ni Tom Cruise at ang isang fantasy movie na super chaka ang reviews, ang Max Steel.

Halinghing ni Anne, epektib!

Matagal nang kinunan ang daring scene ni Dennis Trillo sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! at nang malapit nang ipalabas sa mga sinehan ang pelikula, saka inilabas ng kanyang kampo ang video ng pagsusuot niya ng skimpy trunks.

Effective ang ginawa ng kampo ni Dennis dahil pinag-usapan ang eksena na first time niya na ginawa sa isang pelikula.

Talk of the town din ang ungol scene ni Anne sa Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend?! Actually, para sa ibang nakapanood sa pelikula, halinghing at hindi raw basta ungol ang ginawa ni Anne  na very effective at bidang-bida sa unang movie team up nila nina Dennis at Paolo.

Wish ni Rocco na makilala si Alfred, malapit nang magkatotoo

Iba na ang mga ikinikilos nina Rocco Nacino at Sanya Lopez sa set ng Encantadia kaya naniniwala ang kanilang mga co-star na malapit nang magkaroon ng relasyon ang dala­wa.

Single si Rocco at walang boyfriend si Sanya. Puwedeng-puwede na ma-develop ang feelings nila para sa isa’t-isa dahil sa kanilang madalas na pagkikita sa taping ng Encantadia.

May nagsabi sa akin na pangarap ni Rocco na makilala nang personal si Congressman Alfred Vargas, ang original Aquil ng Encantadia.

Hindi pa nagkikita ang dalawa dahil hindi na sila nagpang-abot sa GMA-7. Nang pumasok sa showbiz si Rocco, public servant na si Alfred at priority nito ang public service kaya walang chance na  magkatrabaho sila.

Nag-imbita ng dinner noong nakaraang Huwebes ang direktor na si Mark Reyes para sa original stars at new cast ng Encantadia.

Ang akala ni Rocco, magkikita sila ni Alfred sa dinner pero hindi naman invited ang huli. Baka sakaling magkasama sila sa Encantadia dahil sa text message na ipinadala ni Mark kay Alfred tungkol sa pagbabalik ni Diana Zubiri sa Encantadia.

Sina Alfred at Diana ang love team sa original Encantadia at patok na patok noon sa televiewers ang tambalan nila. Kung bumalik na si Diana sa Encantadia, malaki rin ang posibilidad na magkaroon si Alfred ng special participation sa primetime telefantasya ng Kapuso Network.

vuukle comment

MOVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with