^

Pang Movies

James at Nadine nagpapakatotoo lang kaya parami nang parami ang fans

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napakasuwerte ng tambalang James Reid at Nadine Lustre dahil agad-agad ang kanilang pag-angat. Sino ba naman ang mag-aakalang malulusutan pa nila ang pinakapopular na team up noon nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

Imagine, bukod sa paghirit sa takilya ay nakatulong nang malaki sa pagsikat nila ang pagiging makatotoo. Hindi katulad ng ibang love team na kunwari ay sila pero niloloko lang pala ang mga tao. Walang pretensions ang dalawa kaya nakursunadahan ng mga tagahanga.

Very lucky rin sina James at Nadine dahil inaalagaan sila ng Viva.

Lucky charm ni Rita epiktibo pa rin!

Bugbog-sarado ang naging kapalaran ni Rita Avila sa mga kamay ni Inah Feleo nang matuklasan niya ang sikreto nito. Malakas man ang pagsampal kay Rita ay tinanggap niya lang ito dahil kailangan sa eksena.

Kuwento rin ni Rita, masarap kaeksena ang mga kasama dahil pare-pareho silang mahusay gumanap. Nakakatuwa naman daw na malamang lumalakas ang rating ng Hanggang Makita Kang Muli dahil sa pagpasok ng mabibigat na tagpo.

Knowing Rita, umeepektong muli ang kanyang lucky charm sa teleserye. Lahat naman ng involved sa serye ay masaya dahil sulit daw ang pagod at pagpupuyat nila sa rami ng kanilang viewers.

Ariella marunong makihalubilo sa masa

Halatang excited ang beauty queen na si Ariella Arida kapag naghu-host ng Wowowin. Magaling siyang mag-host at malambing sa followers ng show ni Willie Revillame.

Humahanga si Ariella sa mga contestant ng Will of Fortune dahil very talented sila. Magaling siyang mag-interview ng mga tagahanga kesehodang iba-iba ang antas ng buhay ng mga ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with