^

Pang Movies

Kris tinaningan ang sarili, gustong makatikim bago matapos ang taon!

SO..CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang Kapuso young actor na si Hiro Peralta ang ka-partner ni Kris Bernal sa teleserye na Little Nanay.

Papel ng isang batang ama ang ginagampanan ni Hiro dahil nabuntis niya si Kris na may diperensya sa pag-iisip.

Sa mga naging eksena nila ni Kris, meron silang mga halikan at kinailangan pa nilang mag-workshop para mawala ang hiya nila sa isa’t isa.

 “First time ko pong makasama si Kris sa isang teleserye. Pero kilala na namin ang isa’t isa dahil minsan magkakasabay kaming mag-guest sa mga TV show sa GMA 7.

 “Mabait po si Kris at very supportive. Lalo na dun sa eksenang may kiss.

 “Kinabahan po ako pero si Kris na ang magsa-bing, ‘Okey lang ‘yan. Kaya mo ‘yan!’ kaya nagawa namin ng maayos,” ngiti pa ni Hiro.

Dahil sa marami silang eksena ni Kris, hindi kaya dumating ang pagkakataon na ma-develop sila sa isa’t isa?

Unang-una ay walang boyfriend si Kris at wish nito na magka-boyfriend bago matapos ang taon.

Wala din naman girlfriend si Hiro dahil ayon sa aktor ay nag-break sila ng non-showbiz girlfriend niya matagal na.

 “Puwede naman po akong ma-develop kay Kris.

 “Mabait po siya at ang ganda-ganda niya.

 “Ayoko lang ipilit kasi baka sabihin ni Kris na nanamantala ako.

 “Gusto kong maging barkada kami muna. I want to know her more at gusto ko rin na makilala niya ako,” ngiti pa ni Hiro Peralta.

Megan ayaw na sa putikan

Mag-iibang anyo na si Megan Young sa primetime series na MariMar.

Mula sa isang inosenteng taga-isla ay magiging sosyal at anak-mayaman na siya bilang si Bella Aldama.

Nalaman na kasi ni Marimar ang tunay niyang pagkatao dahil sa pagkakakilala niya sa tunay niyang ama na si Gustavo Aldama (Zoren Legaspi).

 “Ito na rin ang simula ng paghihiganti ni Mari-mar sa mga Santibañez lalo na kina Sergio (Tom Rodriguez) at Antonia (Lauren Young).

 “Medyo kinakabahan ako kasi siyempre napamahal na rin ako sa character ko bilang si MariMar.

 “Si MariMar kasi tahimik, simple, hindi siya pala-ayos.

 “Tapos si Bella, may mga mentor na siya, makakapag-aral siya sa ibang bansa, at matututo na siyang manamit ng maayos.

 “She really educated herself para ready na talaga siya sa pagharap kina Sergio at Antonia.

 “Ibang side naman ni Megan  ang makikita ng viewers.”

Malaking bagay para kay Megan ang pagganap niya bilang si MariMar dahil marami siyang nalaman tungkol sa pag-arte at ang pagkakataon na makatrabaho ang mga veteranong artista sa showbiz.

The Voice mentors na sina Gwen Stefani at Blake Shelton, nagkakagustuhan na

Kumpirmadong nagde-date na nga ang The Voice mentors na sina Gwen Stefani at Blake Shelton.

Nakunan ang dalawang singers na magka-holding hands habang papunta sa after-party ng CMA (Country Music Awards).

Sabay silang dumating sa Warner Brothers party sa Music Square, Nashville, Tennessee.

Hindi naman umiwas sa photographer ang dalawa at senyales iyon na gusto na nilang gawing public ang kanilang pagde-date.

Naibalita na nga ang rumored dating ng dalawa pero wala namang ginawang confirmation or denial si Gwen at Blake.

Kapwa hiwalay na sina Gwen at Blake sa kanilang mga asawa.

Unang nag-divorce sina Gwen at mister na si Gavin Rossdale noong August 3, 2015. Ten days after ay naghiwalay naman si Blake at ang misis niyang si Miranda Lambert.

Ayon sa E! News, hindi raw nagulat si Miranda sa pagde-date ng kanyang ex-husband at ni Gwen.

“She was not surprised to hear of the romance between Blake and Gwen. They were always pretty flirty.

 “Miranda and Blake were on the rocks on and off and knew that this could always be a possibility.”

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTONIA

BELLA ALDAMA

BLAKE

BLAKE AND GWEN

BLAKE SHELTON

GWEN

KRIS

MEGAN

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with