^

Pang Movies

Heart excited na sa bagong baby

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malapit nang mag-goodbye sa ere ang Beautiful Strangers kaya may panahon na si Heart Evangelista na asika­suhin ang beauty book na ilalabas niya at may title na This is Me, Love Marie.

Ang beauty book ang follow up ni Heart sa children’s book na inilabas nila ng bag designer na si Rocio Olbes at tips sa pagpapaganda ang ibabahagi niya sa lahat, lalo na sa mga kababaihan.

Excited na si Heart sa kanyang bagong baby dahil magbibigay siya ng makeup tips, skincare secrets, at higit sa lahat, love confessions sa kanyang must buy beauty book.

“I am excited to share with you all my tried-and-tested makeup and skincare secrets in a book! This Is Me, Love Marie is a special project filled with simple, helpful makeup tricks, easy skincare how-tos, and confessions on life and love. I wrote some handy tips and did a few doodles in it, too!,”  ang masaya na announcement ni Heart sa kanyang fans.

“The book will be available in stores very soon. Stay tuned for further announcements,” ang sey ni Heart na may karapatan na mag-publish ng sariling beauty book dahil sa kanyang natural na kagandahan na never na pinakialaman ng siyensya.

Kahit busy na sa kampanya, todo-suporta sa project ni Heart si Papa Chiz Escudero na proud na proud sa mga achievement ng kanyang misis.

Sen. Grace dinumog sa sementeryo

Labing-isang taon na ang nakalilipas mula nang pumanaw ang King of Philippine Mo­vies na si Fernando Poe, Jr. pero hindi pa rin siya nakakalimutan ng kanyang loyal fans at ebidensya ang pagdumog ng mga supporter sa puntod niya sa Manila North Cemetery noong All Saints Day at All Souls Day.

Nagtirik ng mga kandila at nagdala ng flowers ang fans na missed na missed  na si Kuya Ron pero ayaw pa raw nila na sundan. Hindi nakaligtaan ng fans na magpakuha ng selfie at groupie pictures sa harap ng puntod ng King of Philippine Movies.

I’m sure, may kinalaman ang charisma ni Kuya Ron sa pamamayagpag ng television remake ng kanyang hit movie na Ang Probinsyano.

Isa nga pala sa mga bumisita sa libingan ni Kuya Ron ang kanyang matalik na kaibigan, si Manila City Mayor Joseph Estrada.

Solo flight si Papa Erap nang dalawin niya ang musoleo ng mga Poe dahil nakakapagdasal daw siya nang mabuti.

Bumisita naman sa puntod ni Kuya Ron noong October 30 ang kanyang anak na si Senator Grace Poe at ang panganay nito na si Brian.

Maagang nagpunta ang mag-ina sa Manila North Cemetery para hindi sila makaagaw ng atensyon sa ibang mga dumadalaw sa puntod ng mga namayapang kamag-anak.

Pinagkakaguluhan si Mama Grace sa lahat ng mga lugar na pinupuntahan niya, sa Manila North Cemetery pa kaya na milyun-milyon ang bilang ng mga tao na bumisita noong All Saints Day?

Sarah siguradong pupunuin ang Araneta

Magsisimula nang mag-promote si Sarah Geronimo ng From the Top, ang solo major concert niya sa Smart Araneta Coliseum sa December 4.

May isang buwan pa ang aking favorite singer-actress para i-promote ang kanyang once a year concert na inaabangan ng mga tagahanga niya.

Mabilis na nabenta ang tickets ng From the Top pero super promote pa rin si Sarah, kahit alam nito na sigurado nang mapupuno niya ng audience ang Big Dome.

vuukle comment

ACIRC

ALL SAINTS DAY

ALL SOULS DAY

ANG

FROM THE TOP

KANYANG

KUYA RON

LOVE MARIE

MANILA NORTH CEMETERY

MGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with