^

Pang Movies

Ka-level ni Mayor Binay bahay nina Sharon at Ogie, may elevator din!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sa totoo lang, nagtataka ako kung bakit isyu sa ibang tao ang pagkakaroon ng elevator ng bahay ni Makati City Mayor Junjun Binay?

Hindi naman mortal sin ang pagpapalagay ng elevator sa bahay dahil ginawa na ito noon ni Sharon Cuneta sa bahay niya sa Wack Wack Village, Mandaluyong City.

Pinalagyan ni Sharon ng elevator ang kanyang bahay para sa tatay niya na si former Pasay City Mayor Pablo Cuneta.

Buhay pa noon si Mayor Ambo at dahil ayaw ni Sharon na mahirapan sa pag-akyat sa hagdan ang tatay niya, nagpalagay siya ng elevator. Ipina-renovate ni Sharon ang bahay niya sa Wack Wack kaya hindi ako sure kung naroroon pa rin ang elevator.

Under renovation ang bahay nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa Ayala Hillside Estates.

Nabanggit minsan ni Ogie na palalagyan nila ni Regine ng elevator ang kanilang bahay. Hindi lang ako sigurado kung nagbibiro si Ogie pero sa panahon ngayon, madali na ang magpa-install ng elevator.

I should know dahil may kaibigan ako na nagpatayo ng bahay sa village na tinitirhan nina Ogie at Regine. Nagpalagay ng elevator ang aking richie rich friend bilang paghahanda sa kanyang pagtanda. Alam niya kasi na darating ang araw na mahihirapan siya na mag-akyat-panaog sa hagdan.

Saka maraming klase ng elevator. May malalaki na ginagamit sa mga hotel, malls at condominium building pero may mga maliliit na elevator na tamang-tama lang para sa isang residential house.   

Mas magugulat pa siguro ako kung malalaman ko na imbes na elevator, may escalator ang bahay ni Mayor Junjun Binay.

CB mamimigay ng kalahating milyon

Kalahating milyong piso ang mapapanalunan ngayong gabi ng lucky pair na kasali at manonood  ng  Celebrity Bluff ng GMA 7.

Matinding kompetisyon ang mangyayari sa pagitan ng Dading stars na sina Gabby Eigenmann at Gardo Versoza, celebrity couple na sina Aiza Seguerra at Liza Diño, at Yagit actors na sina Wowie de Guzman at Renz Fernandez

Magdadagdag ng kasiyahan sa exciting atmosphere ang masiglang pagsuporta ng mga audience sa  pa­boritong celebrity pair na magbibigay sa kanila ng tsansa na manalo ng kalahating milyong piso.

Hindi dapat palampasin ng  Kapuso viewers ang constant humor ng award-winning host/comedienne/actress na si Eugene Domingo at ng celebrity bluffers na sina Jose Manalo, Isko Salvador, at Boobay.

Robin sa TV5 nag o-overnight para ‘di ma-late, Mariel pinababayaang umuwi

Hindi kasama si Mariel Rodriguez sa overnight stay ni Robin Padilla sa TV5 compound sa tuwing may taping sila ng Talentadong Pinoy.

May kanya-kanyang diskarte ang magdyowa pagdating sa kanilang trabaho as in wala silang pakialaman.

Hinahayaan ni Mariel na matulog ang kanyang mister sa TV5 compound para hindi ma-late sa taping ng Talentadong Pinoy.

Maaga na lang na umaalis si Mariel sa bahay nila ni Robin sa Parañaque City para hindi siya maipit sa trapik.

Lumipat na kasi ang mag-asawa sa south area. Iniwanan na nila ang bahay ni Robin sa West Fairview na hindi kalayuan sa North Fairview, ang lugar  na inuuwian ko. Kung tutuusin, napakalapit ng dating bahay ni Robin sa West Fairview ang studio ng TV5 sa Novaliches. Isang tumbling lang, makararating agad siya sa Kapatid Network na dating home studio ng mga programa noon ni Willie Revillame.

In fairness, magaganda naman ang mga dressing room sa TV5 studio, lalo na ang dressing room na ipinagawa at ginamit ni Willie.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BAHAY

ELEVATOR

MARIEL

OGIE

TALENTADONG PINOY

WEST FAIRVIEW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with