^

Pang Movies

Masaker sa talipao sa Reporter’s Notebook

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Huwebes, samahan sina Maki Pulido at Ji­ggy Manicad sa special report ng Reporter’s Notebook tungkol sa isang malagim na masaker sa Talipao, Sulu.

Ika-dalawampu’t walo ng Hulyo ng taong ito, araw ng Eid Al-Fitr, ang sagradong selebrasyon na hudyat ng pagtatapos ng Ramadan para sa mga Muslim, pauwi na ng Barangay Talipao ang apatnapung sibilyan na dumalo ng Eid Al-Fitr Al-Mubarak Prayer mula sa kalapit ba­rangay na Lumampit nang biglang harangin ang jeep na sinasakyan nila ng tinatayang limampung armadong tao. Gamit ang matataas na kalibre ng baril, walang habas na pinaputukan ang mga nakasakay sa jeep.

Dalawampu’t tatlo ang patay kabilang na ang siyam na buwang gulang na sanggol at isang walumpu’t limang taong gulang na pinakamatandang biktima.

Kasama ang pwersa ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police, binalikan ni Jiggy ang ambush site sa Talipao. Kalunus-lunos ang eksenang nadatnan. Naiwan pa rito ang ilang pambatang tsinelas, kumpol ng mga damit at mga basyo ng matataas na kalibre ng baril. Sa ambush site na rin inilibing ang dalawampung biktima. Ano ang dahilan ng karumal-dumal na pananambang na ito?

vuukle comment

ANO

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BARANGAY TALIPAO

EID AL-FITR

EID AL-FITR AL-MUBARAK PRAYER

MAKI PULIDO

NGAYONG HUWEBES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TALIPAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with