^

Pang Movies

Billy at Vice parang may relasyon sa sobrang harutan

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Pinansin na sobrang maglambingan sina Billy Crawford at Vice Ganda, na daig pa ang may relasyon!

Natatawa lang si Crawford sa mga hakahaka. Ito naman kasing si Coleen Garcia pinababayaan ang Billy. Katwiran niya, walang kumpetisyon sa mga kafatid. Ikaw din baka malaman na lang namin, natuklaw ka na ni Galema.

Aktor iginarahe ng selosang beki

Lihim ang ngiti ng isang amiga nang tanungin kung alam niya ang where abouts ng young actor na dating very visible sa TV. Bigla kasing naglaho sa eksena ang artista at pati ang kanyang mga fans hindi maipaliwanag ang mahiwagang pagbababu niya.

Full smile ang beki nang sabihin niyang: “Kahit hindi mag-artista, mabubuhay siya ng marangya at hindi mauubusan ng pera.” Ginarahe ang aktor ng rich gay matron. Para matigil ang pagseselos ng possessive benefactor, pinatigil na siya sa pag-aartista.

Malalaman natin kung hiwalay na ang baklesh at actor, kapag tumanggap uli ng TV or movie assignment ng aktor.

International musicfest sa Clark, balot ng mga lihim

Maraming controversial issues ang hindi naipapaliwanag ng mga bumubuo ng 7107 International Music Festival on Feb. 22-23, sa Global Gateway Logistic City in Clark Freeport Zone, Pampanga.

Sabi ng mga namamahala ng two-day musicfest, kapag nakuha na nila ang permiso sa US Festival management, saka pa lang ilalabas ang mga detalye ng festival. 

Kris pinayagan si Bimby sa birthday ni James

Ayan, pumayag na si Kris Aquino na makasama ni James Yap ang anak nilang si Bimby, on Feb. 15, Saturday. Don’t anticipate na magbibiyahe naman sa abroad ang mag-iina on this appointed day.

Pinagbibintangan kasi si Kris na inilalayo si Bimby sa ama, kaya laging namamasyal sa ibang bansa. Akala naman natin nagkaroon sila ng matinong kasunduan sa korte.

Klosetang aktor, malaki ang ginagastos sa make up

Isang mismong P.A. (production assistant) ang nagsyete na higit na-expensive ang cosmetic brands ng isang pamintuang aktor, sa mga gamit ng kanyang mga female co-stars. Kaya malaki ang nakakaltas sa kanyang talent fee para bilhin ang mga personal na gamit niyang pang make-up!

Kahit eyebrow pencil lang, hindi niya ipapahiram sa kanyang mga kasama sa isang project. Minsan isang poging co-star ang naglambing para magamit ang kanyang eyebrow pencil. Hindi pinahiram, pero ibinigay na sa aktor ang signature na gamit niya.

Joel Cruz kinaiinisan ng mga golfers sa Baguio

Reklamo ng mga naglalaro ng golf sa Camp John Hay, Baguio City, istorbo sa kanila ang four-storey mansion doon ni Joel Cruz, na tinanghal na winner sa Celebrity Duets talent search sa GMA.

Nagtataka ang mga old-timers sa dating U.S. base kung bakit pinayagang maitayo ito roon.

Well, kung sindami ng pera mo ang kay Cruz, kahit palasyo maaring itayo sa gusto mong lugar.

 

vuukle comment

BAGUIO CITY

BILLY CRAWFORD

BIMBY

CAMP JOHN HAY

CELEBRITY DUETS

CLARK FREEPORT ZONE

JOEL CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with