Leonard binuhat ang Clippers

INGLEWOOD, Calif. -- Nagpasabog si Kawhi Leonard ng season-high 32 points para banderahan ang Los Angeles Clippers sa 103-88 pagsapaw kay LeBron James at sa Los Angeles Lakers.
Tinapos ng Clippers (7-21) ang kanilang five-game losing skid.
Nagdagdag si James Harden ng 21 points at 10 assists at humakot si John Collins ng 17 points at 12 rebounds.
Hindi na nagbalik sa laro si Luka Doncic, ang NBA scoring leader, matapos ang halftime dahil sa isang lower leg contusion.
Nagtala siya ng 12 points at 5 rebounds sa loob ng 19 minuto para sa Lakers (19-8) na nakahugot kay James, ipagdiriwang ang kanyang ika-41 kaarawan sa Disyembre 30, ng season-high 36 points.
Kumonekta ang Clippers ng 16 three-point shots kasama ang tig-apat nina Leonard at Harden at tatlo ni Brook Lopez mula sa bench.
Mintis naman ang 32 3-point attempts ng Lakers kasama ang pito ni James at anim ni Doncic.
Ang tatlong free throws ni Marcus Smart at 3-point play ni James ang naglapit sa Lakers sa 73-80.
Nagsalpak sina Collins at Harden ng magkasunod na triples habang ang dunk ni Leonard ang muling naglayo sa Clippers sa 88-73 sa fourth quarter.
Sa iba pang laro, pinalubog ng Golden State Warriors ang Phoenix Suns, 119-116; wagi ang Philadelphia 76ers sa Dallas Mavericks, 121-114; tinalo ng Boston Celtics ang Toronto Raptors, 112-96; lusot ang Orlando Magic sa Utah Jazz sa overtime, 128-127; at panalo ang Portland Trail Blazers sa Sacramento Kings, 98-93.
- Latest



















