^

Bansa

Hatol kay VP Sara posibleng ilabas bago mag-Disyembre – Gatchalian

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Hatol kay VP Sara posibleng ilabas bago mag-Disyembre – Gatchalian
Vice President Sara Duterte arrives at the Quezon City Hall of Justice on September 5, 2026
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Posibleng magkaroon ng hatol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte bago mag­Disyembre, ayo kay Senate President Win Gatchalian nitong Miyerkules.

“Hopefully, before December, matapos na natin. Hopefully, ha? May verdict,” ani Gatchalian.

Sinabi ni Gatchalian na nakadepende pa rin ang target na ito sa bilang ng mga testigong ihaharap ng prosekusyon at depensa. Pero binanggit din niyang nagkaroon ng pagkakataon na mapabilis ang paglilitis dahil sa desisyon ng prosekusyon na bawasan ang kanilang mga testigo.

Sinabi niyang ang buong araw na mga pagdinig ay magsisimula ng alas-10 ng umaga at magpapatuloy hanggang matapos ng korte ang mga gawain nito para sa araw na iyon.

Sinabi rin niyang umaasa ang impeachment court na makapagharap ng dalawa hanggang tatlong testigo sa isang araw kapag nagsimula na ang buong araw na pagdinig.

Gayunman, sinabi ni Gatchalian na nakadepende pa rin ang magiging bilis ng paglilitis sa depensa kapag nagsimula na itong magharap ng sarili nitong mga testigo matapos makumpleto ng prosekusyon ang paglalahad ng ebidensiya nito kaugnay ng apat na artikulo ng impeachment.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with