Alas nasa tamang direksyon — Jia
MANILA, Philippines — Tagumpay na maituturing ni team captain Jia De Guzman ang back-to-back bronze medals ng Alas Pilipinas sa nakaraang 2025 SEA V.League Leg 1 sa Thailand at Leg 2 sa Vietnam.
Ayon kay De Guzman, bahagi ito ng preparasyon ng mga Pinay spikers para sa 33th Southeast Asian Games sa Thailand sa Disyembre.
“These are all building blocks of what we want to do as a team. Clear naman ‘yung direction sa aming players and coaches kung ano ‘yung gusto namin ma-achieve,” sabi ng 30-anyos na veteran setter.
Nagbigay ng magandang laban ang Alas Pilipinas sa mga bigating Thailand at Vietnam teams sa 2025 SEA V.League.
Dalawang beses naman nilang tinalo ang Indonesia para sa bronze medal ng Legs 1 at 2.
Nakasama ni De Guzman sa tropa sina Angel Canino, Eya Laure, Vanie Gandler, Alyssa Solomon, Leila Cruz, Maddie Madayag, Mars Alba, Dell Palomata, Fifi Sharma, Thea Gagate, Dawn Catindig, Justine Jazareno, Cla Loresco, Bella Belen at Shaina Nitura.
Si Canino ang hinirang na Best Outside Spiker sa Leg 1 sa Thailand habang kinilala si Jazareno bilang Best Libero sa Leg 2 sa Vietnam.
- Latest




















