Strike one
Buenamano ang NBA veteran at TNT import na si Rondae Hollis-Jefferson sa PBA Commissioner’s Cup.
Dehins buenamano sa panalo kundi sa ejection at fine.
Thrown out sa third quarter ang six-year NBA player sa TNT game kontra Converge last Saturday. Umiskor ng isang dunk si RHJ at imbes na ilapag ang bola, ipinasa niya ito kay Mike Nieto.
Sa ulo tinamaan ang Converge player. Hindi naman kalakasan pero under PBA rules, nasa Flagrant Foul 2 ang category nito.
Automatic ejection at fine na P20,000.
Pinanood ko sa YouTube ang play. Mahirap sabihin na sinadya ni RHJ na tamaan sa ulo si Nieto. Kaso lang, diretso siya tumalikod at parang walang balak mag-sorry.
Ewan natin, baka naman nagkaroon sila ng girian sa previous play.
In short, out of the game ang 28-year-old na former Toronto Raptor, Brooklyn Net at Portland Trail Blazer na naglaro din para sa bansang Jordan sa Asian Games.
Nanalo pa rin ang TNT, 101-98.
Ang sabi ni Commissioner Willie Marcial, wala sanang ejection or fine kung sa katawan or balikat or hita tinamaan ng bola si Nieto.
Kaso, sa ulo eh. Well, lesson learned ‘yan kay RHJ.
Regarding the P20,000 fine, balewala para sa player na kumita ng halos $10 million sa NBA career.
Chicken feed.
- Latest