^

PSN Palaro

Davao Occi, Misamis Oriental, Davao kampeon sa PSL Mindanao Regional Finals

Philstar.com
Davao Occi, Misamis Oriental, Davao kampeon sa PSL Mindanao Regional Finals
Pinangunahan nina PSL deputy commissioner for Mindanao at PBA grand slam champion Peter June Simon at league president Cris Bautista ang awarding ng trophy sa Under-20 division champion na Davao Occidental sa pagtatapos ng PSL Mindanao Regional Finals.

MANILA, Philippines – Inangkin ng Davao Occidental, Misamis Oriental at Davao ang korona sa kani-kanilang dibisyon sa PSL Mindanao Regional Finals kamakailan sa Tagum City. 

Dinaig ng Malita Lions ng Davao Occidental ang Davao City-NTB Wolves, 84-70, para pagharian ang Born 2004 category sa likod ni George Diamante ng NCAA juniors champion Letran Squires.

Maglalaro ang Davao Occidental sa PSL National Finals na gagawin sa Hulyo 7 hanggang 11 sa Quezon City.

Kinumpleto naman ng Misamis Oriental ang kanilang ‘Cinderella Run’ sa Born 2006 Division matapos maghabol at itakas ang 84-81 panalo kontra sa home team Tagum City.

Sinandigan ng Misamis Oriental sina Michol Idulsa at Joseph Dumdun para makalapit sa 78-79 sa huling 1:47 minuto ng fourth period.

Kinumpleto ni Idulsa ang kanyang magandang laro matapos makaagaw sa sumunod na play at dinagdagan pa ito ng isang fast break layup para sa kalamangan ng Misamis Oriental.

Sumandal naman ang Extra Sideline ng Davao City sa kanilang mala-pader na depensa laban sa Centurions ng Cagayan de Oro, 73-57, at mapanalunan ang Born 2008 division.

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with