Puentevella gusto nang magkapamilya si Hidilyn
MANILA, Philippines — Kung si Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella ang tatanungin ay gusto na niyang lumagay sa tahimik at magkaroon ng sariling pamilya si Tokyo Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz.
Ito ay matapos ibigay ni Diaz ang kauna-unahang Olympic gold medal ng bansa sa nakaraang Tokyo Games.
“Para sa akin kasi gusto ko si Hidilyn magkaroon na ng buhay na pampamilya. I’m not asking more from her. Mabigat na iyong ibinigay niya sa Pilipinas,” ani Puentevella kahapon sa ‘Peoples Sports Conversation’ program ng Philippine Sports Commission (PSC).
Kamakailan ay inihayag ni Diaz at ng kanyang fiance at coach na si Julius Naranjo ang kanilang engagement.
Plano ng 30-anyos na national weightlifter na sumabak sa SEAG sa Hanoi, Vietnam sa Mayo at sa Asian Games sa Hangzhou, China sa Setyembre ng susunod na taon.
Wala pa siyang desisyon kung lalahok sa 2024 Olympics sa Paris, France.
- Latest