^

PSN Palaro

Deiparine, 3 pa nagbigay ningning sa Team Philippines

Associated Press

Umukit ng Bagong SEA Games record

MANILA, Philippines — Sa 149 gintong medal­yang nasungkit ng Team Philippines sa katatapos na 2019 Southeast Asian Games, apat na atleta ang tunay na nagbigay ng karagdagang ning­ning matapos wasakin ang rekord sa kani-kanilang events.

Nanguna na sa mga record-breakers si swimmer James Deiparine na pinagharian ang men’s 100-meter breaststroke sa bendisyon ng impresibong isang minuto at 1.46 segundo.

Binasag ni Deiparine ang 10 taong SEA Games record na 1:01.60 ni Vietnamese Nguyen Huu Viet set na naitala sa Vientiane, Laos noong 2009.

Maliban sa biennial meet mark, binura rin ni Deiparine ang Philippine record na 1:02.00 na kanya ring pag-aari na nakuha niya sa 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Matikas din ang pagbabalik ni Tokyo Olympics qualifier Ernest John Obiena na nangibabaw sa men’s pole vault bunsod ng naitala nitong 5.45m para tabunan ang 5.35m ni Porranot Purahong ng Thailand na nakuha noong 2017 Kuala Lumpur Games.

Matamis ito para kay Obiena na magugunitang hindi nasilayan sa aksiyon sa 2017 SEA Games matapos magtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) injury ilang araw bago magsimula ang biennial meet.

Kaya naman siniguro ni Obiena na makuha ang ginto at rekord sa harap ng kanyang mga kababayan.

Agaw eksena rin si Filipino-American sprinter Kristina Marie Knott. Nagreyna si Knott sa women’s 200m dash sa bilis na 23.01 segundo - sapat para gibain ang dating marka na 23.30 segundo ni Supavadee Khawpeag ng Thailand noong 2001.

Humabol sa listahan si Filipino-American Natalie Uy na nagtala naman ng 4.25m para pagreynahan ang women’s pole vault.

 Ang nairehistro ni Uy ay mas maganda sa 4.21m old SEA Games mark ni Sukanya Chomchuendee ng Thailand noong 2013.

vuukle comment

JAMES DEIPARINE

TEAM PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with