^

PSN Palaro

Doroy piniga ang Kazakhs IM

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Doroy piniga  ang Kazakhs IM
Hindi rin nagpahuli ang 58-anyos na si IM Ricky de Guzman matapos magwagi laban kay IM Sumiya Bilguun ng Mongolia upang umangat sa 22-way tie sa pang-sampung puwesto sa parehong 2.5 puntos pagkatapos ng apat na round sa torneo.

MANILA, Philippines — Nagpakilala ang 17-anyos na si Woman FIDE Master Allaney Jia Doroy ng Pilipinas sa pagpapataob kay IM Gulishkan Nakhbayeva ng Kazakhstan para masungkit ang ikalawang panalo sa women’s division ng 7th Asian Continental Chess Championship (2nd Manny Pacquiao Cup) noong Huwebes ng gabi sa Tiara Hotel sa Makati City.

Hindi rin nagpahuli ang 58-anyos na si IM Ricky de Guzman matapos magwagi laban kay IM Sumiya Bilguun ng Mongolia upang umangat sa 22-way tie sa pang-sampung puwesto sa parehong 2.5 puntos pagkatapos ng apat na round sa torneo.

Makakaharap ng US-based na si  De Guzman si IM Nodribek Yakubboev ng Uzbekistan sa fifth round ng nine-round tournament na sinusuportahan nina Sen. Manny Pacquiao, Philippine Sports Commission at NCFP president Butch Pichay.

Matapos naman sa magandang umpisa, nabigo rin si IM Roderick Nava kay top seed GM Wang Hao ng China kaya bumagsak sa six-way tie sa 32nd place na may parehong dalawang puntos.

Kabilang sina  IM John Marvin Miciano at Filipino GM Darwin Laylo sa 32nd  na puwesto. Tinalo ni Miciano si IM Priasmoro Novendra ng Indonesia habang nagwagi rin sa Laylo laban sa kababayang si Edsel Montoya sa ika-apat na araw.

vuukle comment

7TH ASIAN CONTINENTAL CHESS CHAMPIONSHIP

ALLANEY JIA DOROY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with