^

PSN Palaro

Mommy D: Dasal lang!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dasal lang!

Ito ang sasandalan ni super mom Dionisia Pacquiao - mas kilala sa tawag na Mommy Dionisia - sa oras na sumabak ang kanyang anak na si Manny Pacquiao kontra kay Lucas Matthysse ngayong araw sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Numero unong ta­ga-­suporta ni Pacquiao si Mommy Dionisia na kadalasang nakikitang may dalang rosaryo sa tuwing nanonood ito ng laban ng Pambansang Kamao.

Kaya naman mu­ling magiging sandata ni Mommy Dionisia ang dasal na pinaniniwalaan nitong nagdadala ng suwerte kay Pacquiao.

“Sa dasal talaga ako umaasa ‘yan ang suportang maibibigay ko kay Manny sa tuwing lalaban siya. Todo suporta ako para sa anak ko,” wika ni Mommy Dionisia.

Magugunitang nag-viral pa si Mommy D nang matiyempuhan ito ng kamera sa isang laban ni  Pacquiao na nagdadasal hawak ang rosario at isang card.

Kabado ngunit sabik na si Mommy Dionisia sa laban.

At umaasa itong malalampasan ni Pacquiao ang panibagong pagsubok nito sa tulong ng dasal.

vuukle comment

DIONISIA PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with