^

PSN Palaro

Mangubat bumida sa JRU

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Mangubat bumida sa JRU
JRU's Lawrence Mangubat
FilOil

MANILA, Philippines — Kumalas sa three-way tie sa No. 1 sa Group A ng team standings ang Jose Rizal University matapos nilang pasabugin ang Mapua University, 71-58 kagabi sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa FilOil Arena sa San Juan.

Nagtala ang nahirang na Best Player of the Game na si Lawrence Mangubat ng 19 points at anim na rebounds para tulungan ang Heavy Bombers na ilista ang 9-3 card habang nalasap ng Cardinals ang ika-6 na talo sa 12 salang.

Maagang nagparamdam ng lakas ang Cardinals matapos nilang hawakan ang four-point lead, 19-15 sa pagtatapos ng first canto.

Subalit biglang uminit ang opensa ng JRU sa second period kaya naman naagaw nila ang lamang 30-29, sa halftime.

Nanatili ang mahigpitan na labanan sa third quarter, hindi nagkaiwanan ang dalawang koponan kaya tabla ang iskor sa 50-all papasok ng fourth period.

Bigla naman pumutok ang opensa ng Heavy Bombers sa payoff period, naka-ungos sila ng 12  puntos, 65-53, may 4:33 minuto pa sa orasan.

Dahil sa laki ng lamang ay tuluyan ng sinikwat ng Kalentong-based squad ang panalo.

Samantala, nakabalik sa porma ang Arellano University matapos nilang kaldagin ang  San Sebastian College-Recoletos, 69-61 sa unang laro.

Maliban sa pagtuldok sa kanilang tatlong sunud na pagkatalo, napatibay rin ng Chiefs ang pagkapit sa ika-2 puwesto sa Group B na may 6-6 record.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with