^

PSN Palaro

Shakey’s V-League Ateneo pupuwesto sa semis vs Arellano

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  UP vs UST

3 p.m.  Arellano vs Ateneo

 

MANILA, Philippines - Ipuwesto ang sarili sa semifinals ang hanap ngayon ng Ateneo Lady Eagles habang solo ikala­wang puwesto ang nais ng UST Tigresses sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference quarterfinals  sa The Arena sa San Juan City.

Katipan ng Lady E­agles ang Arellano Lady Chiefs sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang pagtutuos ng UP Lady Maroons at UST sa ganap na alas-12:45 ng tanghali.

Hindi pa natatalo ang Ateneo at ang ikalimang sunod na panalo ang magtitiyak na ng puwesto sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera.

Tumaas na ang laro ni Alyssa Valdez at siya ngayon ang leading scorer sa liga bitbit ang 104 puntos, tampok ang 82 kills.

Makakatulong niya sina Jhoanna Maraguinot, Bea de Leon, Amy Ahomiro at Kim Gequillana para tumatag ang paghahabol ng kampeonato sa liga.

May 2-2 baraha ang Lady Chiefs at sina Men­chie Tubiera, Carmina Aganon at Danna Henson ang mga magtutulung-tulong para pigilan ang Ateneo at palakasin ang paghahabol ng upuan sa susunod na round.

Hawak ng UST ang 3-1 karta at kasalo ngayon ang National University Bulldogs at nagdedepensang kampeon FEU Lady Tamaraws.

Galing ang Tigresses sa five-sets panalo laban sa Arellano at sina Pamela Lastimosa, Marivic Me­neses, Ennajie Laure at Chlodia Cortez ang mga kakamada para kay coach Emilio Reyes Jr. upang tumatag ang kapit sa ikalawang puwesto.

vuukle comment

ACIRC

ALYSSA VALDEZ

AMY AHOMIRO

ANG

ARELLANO

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CARMINA AGANON

CHLODIA CORTEZ

SAN JUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with