^

PSN Palaro

Pacquiao: Mayweather madaling talunin

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling ginamit ni eight-division champion Manny Pacquiao ang social media upang kulitin ang wala pang talong boksingero na si Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Pacquiao sa micro-blogging site na Twitter na madaling talunin ang American boxer.

Dagdag niya na magiging biggest upset sa boxing ang gagawin niyang pananaig kay Mayweather, mas malaki pa nang pasukuin niya si Oscar dela Hoya.

Inaantay na lamang ni Pacquiao na pirmahan ni Mayweather ang kontrat upang maikasa na ang laban sa Mayo 2.

Hanggan ngayon ay gumugulong pa rin ang usapan sa pagitan ng dalawang kampo upang matuloy ang sinasabing isa sa mga pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boksing.


 

vuukle comment

COM

DAGDAG

FLOYD

FLOYD MAYWEATHER JR.

HANGGAN

MAYWEATHER

PACQUIAO

TWITTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with