^

PSN Palaro

Systema vs IEM sa preview ng kanilang titular showdown

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

4 p.m. Systema vs IEM

6 p.m. Meralco vs Cagayan

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Systema Active Smashers at Instituto Estetico Manila Volley Masters ang pa­ngunguna sa kalalakihan habang magkaroon ng momentum papasok sa finals sa kababaihan ang nais ng Cagayan Valley Lady Rising Suns sa pagtatapos ng Shakey’s V-League Season 11 Third Confe­rence elimination round ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang tagisan ng Systema at IEM ay magsisimula sa ganap na alas-4 ng hapon at momentum din ang hahawakan ng pa­palaring koponan dahil ang dalawang teams na ito ang siya ring magkikita sa kampeonato sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at suportado ng Accel at Mikasa.

Nakauna ang Volley Masters sa unang pagtutuos na umabot sa limang sets kaya’t magpupursigi ang Power Smashers para maitabla ang karta at tiya­king balikatan ang magaganap sa best-of-three finals na magsisimula na sa Linggo.

Sa kabilang banda, gagamitin ng Cagayan ang laro kontra sa Meralco Power Spikers na mapapanood dakong alas-6 ng gabi, para mapagtibay ang laban kontra sa mainit at nangunguna sa kababaihan na Army Lady Troo­pers.

Tinalo rin ng Cagayan ang Meralco sa unang pagkikita ngunit asahan na ibibigay ng Power Spi­kers ang lahat ng kanilang makakaya para makatikim ng panalo bago mamaalam sa liga.

May limang sunod na talo ang Power  Spikers upang lumabas na nata­ta­nging koponan na hindi pa nananalo sa liga. (ATan)

vuukle comment

ARMY LADY TROO

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

INSTITUTO ESTETICO MANILA VOLLEY MASTERS

LARO NGAYON

MERALCO

MERALCO POWER SPIKERS

POWER SMASHERS

POWER SPI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with