^

PSN Palaro

Chiefs magpapasolido sa No. 2 vs Blazers

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susukatin uli ang ti­bay ng pumapangalawang Arellano Chiefs sa pagharap sa mainit na St. Benilde Blazers sa 90th NCAA men’s basketball ngayon sa The Arena sa San  Juan City.

May 6-2 baraha ang Chiefs at kung madagdagan pa ang panalo sa larong itinakda dakong alas-4 ay didikit ang koponan ng kalaha­ting laro sa nangungunang San Beda.

Unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon ay sa hanay ng host Jose Rizal University  Heavy Bombers at Emilio Aguinaldo College Generals.

Magkasalo ang Bom­bers, Blazers at pahingang Perpetual Help sa ikatlong puwesto sa 4-3 karta kaya’t pupukpok nang husto ang unang dalawang koponan para manatiling okupado ang posisyon.

Galing ang bataan ni coach Vergel Meneses sa 99-98 triple-overtime panalo sa Arellano at ito ang sasandalan nila upang ipantapat sa Generals na pinutol ang five-game losing streak sa 89-78 tagumpay sa Mapua Cardinals noong Lunes.

Nakabangon ang tropa ni coach Jerry Codiñera sa pagyuko sa Bom­bers sa dikitan ding 63-62 panalo sa Letran noong Lunes.

Patuloy na nagbibigay ng magandang numero ang starters ng Chiefs sa pa­ngunguna ni Keith Agovida.

Ngunit para manalo, nakikita ni Codiñera na da­pat na magpamalas ng magandang depensa at pigilan ang ‘big three’ ng Blazers na sina Mark Romero (15.71 puntos), Paolo Taha (13.43 puntos) at Jonathan Grey (11.57 puntos).

 Bukod sa tatlong Bla­zers, hangad ni Benilde coach Gabby Velasco na magpatuloy ang suporta ng kanyang bench para may ibang option sakaling mabantayan nga ang  kanyang mga inaasahan.

 

vuukle comment

ARELLANO CHIEFS

EMILIO AGUINALDO COLLEGE GENERALS

GABBY VELASCO

HEAVY BOMBERS

JERRY CODI

JONATHAN GREY

JOSE RIZAL UNIVERSITY

JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with