^

PSN Palaro

Lady Troopers lalapit sa sweep vs Lady Patrollers

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalapit pa ang Army-Lady Troopers sa planong sweep sa elimination round habang magtatangka ang National University Lady Bulldogs na makapasok na sa quarterfinals sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Katapat ng Army ang walang panalong PNP Lady Patrollers sa ikalawang laro na magsisimula matapos ang pagkikita ng Lady Bulldogs at PLDT Home Telpad Turbo Boos­ters sa ganap na alas-2 ng hapon.

May apat na sunod na panalo ang Army at galing sila sa straight sets dominasyon sa ipinalalagay na contender na Turbo Boos­ters sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Sina Rachel Ann Da­quis, Jovelyn Gonzaga, Mary  Jean Balse at Nerissa Bautista ang mga mangu­nguna sa Army laban sa PNP na nangangailangan ng panalo para makaiwas sa agarang bakasyon sa ligang may suporta pa ng Accel at Mikasa.

Hindi pa nakakatikim ng panalo ang Lady Patrollers tulad ng UP Lady Maroons at ang pumapangatlo sa scoring na si Frances Xinia Molina ang mamumuno sa hanap na upset win ng koponan.

Galing sa three-set win ang Lady Bulldogs sa PNP noong Linggo at magagamit nila ito para lalo pang tumaas ang morale sa pagsukat sa matibay na PLDT.

Si Jaja Santiago na umakyat na sa ikalawang puwesto kung pagpuntos ang pag-uusapan sa 18.5 points average matapos ang apat na laro, ang ma­ngu­nguna sa NU pero da­pat na may makatuwang siya dahil maraming spikers ang Turbo Boosters na magtutulong para tumatag ang kapit sa ikalawang pu­westo.

 

vuukle comment

ARMY-LADY TROOPERS

FRANCES XINIA MOLINA

HOME TELPAD TURBO BOOS

JEAN BALSE

JOVELYN GONZAGA

LADY

LADY BULLDOGS

LADY PATROLLERS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with