^

PSN Palaro

Pinoy netters-Pakistan maghahatawan na

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pilit na ipakikita ni Pa­trick John Tierro ang ma­gandang epekto ng pagka­kapasok niya sa quarterfinals sa Olivarez Cup sa pagharap sa beteranong si Aqeel Khan sa pagsisi­mula ng tatlong araw na Asia Oceana Zone Group II semifinals sa PCA Indoor clay courts sa Paco, Manila.

Unang laro ito ngayon sa ganap na alas-10 ng umaga at pagsisikapan ni Tierro na bigyan ang host Pilipinas ng mahalagang 1-0 karta sa best-of-five tie.

Makukumpleto ang opening singles sa pagki­kita nina Fil-Am Ruben Gonzales at baguhang si Samir Iftikhar na siyang ika­­lawang laro.

Bukas gagawin ang doubles at nominado sina Fil-Am Treat Huey at Johnny Arcilla laban kina Khan at ang pambato sa doubles na si Aisam Qureshi na magsisimula sa ganap na ala-1 ng hapon.

Ang reversed singles ay itinakda sa Linggo at tapatan ito nina Gonzales-Khan at Tierro-Iftikhar.

Pero maaaring mabago ang mga manlalaro sa doubles at reversed doubles kung nanaisin ng mga team captains ng magkabilang koponan.

Taong 2009 ay nakaharap na ni Tierro si Khan at natalo siya sa straight sets sa reversed singles.

 Ang mananalo sa tie ay aabante sa Finals sa Setyembre kalaban ang magwawagi sa pagitan ng Thailand at Kuwait.

vuukle comment

AISAM QURESHI

AQEEL KHAN

ASIA OCEANA ZONE GROUP

FIL-AM RUBEN GONZALES

FIL-AM TREAT HUEY

JOHN TIERRO

JOHNNY ARCILLA

OLIVAREZ CUP

SAMIR IFTIKHAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with