^

PSN Palaro

Azkals mapapalaban na sa Azerbaijan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bitbit ang makapagta­taas ng morale na scoreless draw sa Malaysia, haharapin ng Philippine Azkals ang  mas matibay na Azerbaijan ngayong gabi sa Maktoum Bin Rashid Al Maktoum Stadium sa Dubai, United Arab Emi­rates.

Ang laro ay magsisimula dakong alas-11 ng gabi sa Pilipinas at kahit mas mahirap na laban ang inaasahang haharapin ng nationals, tiyak na handa silang tanggapin ang hamon dahil ang matututunan ay magagamit para palakasin ang preparasyon sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives sa Mayo.

Ito ang ikalawang pagkakataon na didiskartehan ng bagong Azkals coach na si  Thomas Dooley ang koponan at nakikita niyang may ilalabas pa ang manla­laro na mas lumalim sa larong ito.

Ito ay dahil sa makaka­sama ng  Azkals ang mga European-based players na sina Stephan Schrock, Roland Muller, Jerry Lucena at Javier Patino na magpapatibay pa sa opensa at depensa ng koponan. (AT)

vuukle comment

AZKALS

CHALLENGE CUP

JAVIER PATINO

JERRY LUCENA

MAKTOUM BIN RASHID AL MAKTOUM STADIUM

PHILIPPINE AZKALS

ROLAND MULLER

STEPHAN SCHROCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with