^

PSN Palaro

Blackwater Sports humabol sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpatuloy ang pag­ha­hangad ng Blackwater Sports ng kanilang ikalawang sunod na titulo nang kalusin ang Jumbo Plastic Linoleum, 91-81, sa knockout game sa PBA D-League Aspirants’ Cup quarterfinals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Tumapos si Jericho Cruz bitbit ang 29 puntos at 10 rebounds at siya ang nagdala sa pagbangon ng Elite mula 15 puntos kalamangan (25-40) bago tumulong ang mga bete­rano para makumpleto ang pagbangon ng kopo-nan ni coach Leo Isaac sa twice-to-beat advantage na ta­ngan ng number three seed Giants.

“This game is a good test of character for us,” wika ni Isaac na naipanalo ang ikaapat na knockout game na hinarap.

Malaking pasasalamat ang dapat ipukol kay Cruz na gumawa ng 17 puntos at dalawang malalaking tres bago natapos ang ikatlong yugto para makita ng mga panatiko ng Elite na lumamang sila, 66-63, sa pagtatapos ng yugto.

Anim na puntos pa ang ibinigay ni Cruz sa huling yugto habang nakitaan din ng tibay sa 15-foot line sina Llagas, Mangahas at Ferrer para pagpahingahin na ang sophomore team na naitala ang pinakamagandang pagtatapos sa conference na ito.

Si Mangahas ay may 17 puntos, si Ferrer ay mayroong 14 at si Llagas ay may 11 para sa hanay ng mga beteranong manlalaro ng Blackwater.

Ang semifinals ay bubuksan sa Martes at ito ay isang best-of-three series at makakasukatan ng Blackwater ang NLEX.

Ang isa pang semis ay sa hanay ng Hog’s Breath Café at Big Chill.

 

vuukle comment

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BREATH CAF

CRUZ

D-LEAGUE ASPIRANTS

JERICHO CRUZ

JUMBO PLASTIC LINOLEUM

LEO ISAAC

LLAGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with