^

PSN Palaro

Smart netters ibabangon ni Kesinee vs Navy

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. Cagayan vs PNP

4 p.m. Smart vs Navy

 

MANILA, Philippines - Ang pagbabalik ni da­ting MVP Lithawat Kesinee para maglaro sa Smart ang siyang magpapala­kas sa laban ng koponan kontra Philippine Navy sa pagpapatuloy ngayon ng Shakey’s V-League Season 10 Open Conference sa The Arena sa San Juan City.

Si Kesinee ay dumating kahapon at sasalang agad sa aksyon para tulungan ang tropa ni coach Roger Gorayeb na wakasan ang dalawang dikit na pagka­talo matapos umalagwa ng tatlong sunod sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Ang larong ito ay mapa­panood matapos ang bakbakan ng Cagayan Pro­vince at Philippine National Police sa alas-2 ng hapon.

Pakay ng Lady Rising Suns na makumpleto ang 7-0 sweep sa eliminasyon sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Paborito ang tropa ni coach Nestor Pamilar matapos ang di inaasahang madaling 25-9, 25-16, 25-20, straight sets tagumpay sa dating walang talong Philippine Army noong Linggo.

Ang pagpasok ni Ke­si­­nee, isang two-time MVP habang naglalaro sa Ateneo, ay magpapatibay sa net game ng koponan na naunang nagpaparada lamang ng walong manlalaro.

vuukle comment

CAGAYAN PRO

LADY RISING SUNS

LARO NGAYON

LITHAWAT KESINEE

NESTOR PAMILAR

OPEN CONFERENCE

PHILIPPINE ARMY

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with