Nuggets pinahigpit ang kapit sa No. 3 sa West
DENVER -- Dumiretso sa kanilang pang-15 sunod na panalo ang Nuggets matapos talunin ang Sacramento Kings, 101-95, noong Sabado ng gabi.
Sa kabila ng panalo, hindi pa rin naitago ni coach George Karl ang pagkadismaya sa inilaro ng Denver.
Dinuplika ng Nuggets ang kanilang franchise record para sa magkakasunod na panalo na itinala ng Denver Rockets sa 1969-70 NBA season.
Patuloy na nangibaÂbaw ang Denver laban sa Memphis Grizzlies at Los Angeles Clippers para sa ikatlong puwesto sa WesÂtern Conference.
Naglista si Danilo Gallinari ng 19 points, habang may 17 si Kenneth Faried para sa Nuggets, nakamit ang kanilang ika-17 sunod na panalo sa kanilang tahaÂnan.
Hindi pa rin naglalaro para sa Nuggets ang mga may injury na sina Ty Lawson (right heel) at Wilson Chandler (shoulder).
Nagkaroon ng injury sina Chandler at Lawson sa 114-104 tagumpay ng Denver laban sa Oklahoma City noong Martes ng gabi.
Sa Los Angeles, nagÂlista si Chris Paul ng 17 mula sa kanyang 29 puntos sa final canto upang ibandera ang Clippers sa 101-95 pananaig laban sa Brooklyn Nets.
Sa iba pang laro, nanalo ang ang Chicago Bulls sa Indiana Pacers, 87-84 at Memphis Grizzlies sa Boston Celtics, 110-106 .
- Latest


















