^

PSN Palaro

Amit ubos sa Taiwanese sa Women's World 10-Ball

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nauwi uli sa wala ang laban ng Pilipinas sa WPA Yalin Women’s World 10-Ball Championship nang matalo na ang nalalabing pambato ng host country na si Rubilen Amit na nangyari kahapon sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Anino lamang ng kanyang tunay na sarili si Amit nang hinarap si LH Shan ng Chinese Taipei sa Last 16 para lasapin ang nakakadismayang 2-8 pagkatalo.

Si Amit lamang ang pinalad na umusad sa yugtong ito dahil minalas na nagkita agad sa first round sa knockout stage sina Amit at ang 13-anyos na si Cheska Centeno. Lumabas ang pagkabeterana ng multi-titled na si Amit nang iuwi ang 8-5 panalo laban kay Centeno.

Pero laban kay Shan ay naging ordinaryong manlalaro lamang si Amit at dahil sa masasamang lagay ng bola at ilang errors.

Hindi naman pinalad si Shan na makaabante pa dahil natalo siya sa quarterfinals kay Yu Ram Cha, 4-8, sa quarterfinals.

Katapat ni Yu sa semis ang kababayang si Ga Young Kim na pinagpahinga si Jasmin Ouschan ng Austria, 8-5.

vuukle comment

AMIT

BALL CHAMPIONSHIP

CHESKA CENTENO

CHINESE TAIPEI

GA YOUNG KIM

JASMIN OUSCHAN

RUBILEN AMIT

SI AMIT

YALIN WOMEN

YU RAM CHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with