^

PSN Palaro

Romeo, Garcia nagtulong sa panalo ng Tams; Falcons lusot sa Maroons

- ATan - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagsanib puwersa sina Terrence Romeo at RR Garcia upang pangunahan ang FEU sa 92-66 panalo laban sa UE at manatiling malinis sa 75th UAAP men’s basketball kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Si Romeo ay may 19 puntos, 8 assists at 5 rebounds habang si Garcia ay may 18 puntos, 8 rebounds at 6 assists para lagyan ng kinang ang ika­apat na sunod na panalo ng Tamaraws para manati­ling nagsosolo sa itaas ng team standings.

Ito ang unang pagka­ka­taon na nalalamang ng malaki ang FEU sa ka­nilang laro sa season at nangyari ito kahit masama ang kanilang panimula matapos maiwanan ng siyam, 9-18, sa unang yugto ng first period.

Naipagpatuloy naman ng Adamson ang dominas­yon sa UP sa inangking 69-67 panalo sa isa pang laro.

Nakuha ni Rodney Brondial ang kinapos na buslo mula sa rookie guard na si Jericho Cruz para sa follow-up na nagbigay ng dalawang puntos na kalamangan.

Si Cruz ay tumapos taglay ang career high na 19 puntos at natikman ng tropa ni coach Leo Austria ang unang panalo matapos ang dalawang dikit na kabiguan.

Ito rin ang ikapitong sunod na panalo ng Falcons sa Maroons sapul noong 2008 para malaglag sa 0-3 baraha kasama ng Red Warriors.

vuukle comment

GARCIA

JERICHO CRUZ

LEO AUSTRIA

PASAY CITY

RED WARRIORS

RODNEY BRONDIAL

SI CRUZ

SI ROMEO

TERRENCE ROMEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with