^

PSN Palaro

Coach ni Pacman naiwan

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Naging maayos ang pag sasanay ng Filipino bo xing icon na si Manny Pacquiao sa Pilipinas.

Ngunit dito sa Los Ange les, California kung saan nakatakdang simulan ang huling yugto ng kanyang paghahanda, natagpuan niya ang sarili na walang strength and conditioning coach.

Hindi binigyan ng US Embassy sa Maynila ng US Visa si Marvin Somodio dahil dapat raw ay working visa ang inaplayan nito at hindi tourist visa.

Si Somodio ang puma lit kay Alex Ariza bilang strength and conditioning coach matapos iwanan ng huli ang Baguio training camp ni Pacquiao ilang ling go na ang nakararaan.

Inamin ni Ryan Ursua, miyembro ng staff ni Pacquiao na tumulong kay So modio na kumuha ng US Visa sa unang pagkakataon, na suhestiyon niya ang pagkuha ng tourist visa dahil mahalaga raw na makara ting agad sa LA ang coach.

Sinabi ng konsul na ku mausap kay Somodio na mali ang inaaplayang visa ng 28-taong gulang na coach.

Naipagbigay-alam na rin sa World Boxing Organization welterweight titleholder na si Pacquiao ang nangyari sa kanyang bagong coach. Sinabi ng sikat na boksi ngero na gagawin niya ang la hat upang makarating sa LA si Somodio, na understudy ng chief trainer na si Freddie Roach ng tatlong taon.

Mahalaga ang presensiya ni Somodio para kay Pacquiao dahil mukhang natagpuan na niya ang lunas sa mga pulikat at sakit sa balikat ng boksingero gamit ang trigger point treatment.

Matagal nang nirereklamo ng Pambansang Kamao ang mga ito sa kanya pang huling dalawang laban.

Iniwan ni Ariza, ang strength and conditioning coach ng eight-division champion sa nakaraang apat  na taon, ang kampo sa Baguio upang tulungan ang world junior-middleweight champion na si Julio Cesar Chavez sa laban nito na hindi naman natuloy.

Hindi pa malinaw kung tuluyan nang humiwalay si Ariza sa Team Pacquiao. 

vuukle comment

ALEX ARIZA

ARIZA

FREDDIE ROACH

JULIO CESAR CHAVEZ

LOS ANGE

MARVIN SOMODIO

PACQUIAO

PAMBANSANG KAMAO

SOMODIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with