^

PSN Palaro

Clippers inilusot ni Paul sa Thunder

-

OKLAHOMA CITY--Umiskor si Chris Paul ng 31 points, tampok dito ang game-winning layup sa natitirang 8.8 segundo, para ilusot ang Los Angeles Clippers kontra sa Oklahoma City Thunder, 100-98, para palakasin ang kanilang tsansa sa home-court advantage sa first round ng playoffs.

Kailangan ng Clippers ang nasabing panalo para manatili sa fourth place sa Western Conference stan-dings, habang nasa fifth place ang Memphis, tinalo ang L.A. noong Lunes ng gabi, sa ilalim ng Clippers.

Nakatikim si Griffin ng una niyang tatlong kabiguan sa Thunder sa Oklahoma City matapos magtala ng career-low 7 points sa 114-91 blowout loss noong nakaraang buwan.

Kagabi, humakot naman si Griffin ng 16 points, 12 rebounds at 7 assists at nagsalpak ng isang right-handed slam laban kay Serge Ibaka sa third quarter.

Ang right-handed runner naman ni Paul sa isang 15-4 run na nagtabla sa laro sa 80-80 kasunod ang kanyang basket at 3-pointer ni Randy Foye sa 8:35 sa laro ang nagbigay sa Clippers ng 85-84, pangunguna na hindi na binitiwan pa ng L.A. tungo sa kanilang panalo.

vuukle comment

CHRIS PAUL

KAGABI

KAILANGAN

LOS ANGELES CLIPPERS

NAKATIKIM

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

RANDY FOYE

WESTERN CONFERENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with