^

PSN Palaro

Malinis pa rin ang Adamson batters

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Lumapit ang nagdedepensang kampeon na Adamson sa tatlong laro tungo sa matagumpay na pagdepensa sa titulo gamit ang 10-0 sweep nang iuwi ang 9-0 shutout panalo laban sa Ateneo sa 87th UAAP softball kahapon sa Rizal Memorial Field.

Matapos ang magkasunod na hit na ibinigay sa unang dalawang Lady Eagles batters ay isang hit na lamang ang ipinagkaloob ng starting pitcher ng Lady Falcons na si Rizza Bernardino. May tatlong strikeouts din siya sa tatlong innings na pagpukol bago hinalinhinan ni Julie Muyco na gumawa ng no-hitter at may tatlong strikeout sa dalawang innings.

 Inararo naman ng Lady Falcons ng siyam na hits sina Bada Lao at Ina Yulo at si Michelle Lentija ang siyang nanguna sa batters ng nanalong koponan matapos gumawa ng ho­merun sa second inning upang bigyan ng apat na runs ang Adamson.

Ang panalo ay ikapitong sunod para sa Adamson at kailangan na lamang na manalo sa UE, UST at UP para makumpleto ang ikalawang sunod na 10-game sweep sa liga..

Nanatili naman ang UP sa pagtangan ng ikalawang puwesto nang kunin ang ikaanim na panalo sa pitong laro gamit ang 8-6 pa­nalo sa larong umabot sa dalawang extention.

vuukle comment

ADAMSON

ATENEO

BADA LAO

INA YULO

JULIE MUYCO

LADY EAGLES

LADY FALCONS

MICHELLE LENTIJA

RIZAL MEMORIAL FIELD

RIZZA BERNARDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with