^

PSN Palaro

5-0 sweep sa Adamson

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Nakitaan ng matibay na laro si pitcher Rizza Bernardino sa magkabilang dulo ng plates at ang nagdedepensang Adamson Lady Falcons ay namayani sa University of the East, 3-0, at makumpleto ang 5-0 sweep sa pagtatapos ng 74th UAAP softball first round action kahapon sa Rizal Memorial Field.

Pinawi ni Bernardino ang pagkakaroon ng apat na hits sa 5 at 1/3 innings na pagpukol nang walang Lady Warriors na nakaabante hanggang second base.

Ang 18-anyos rookie na inaasahang mapapasok na rin sa national team ay nakitaan din ng ba­ngis sa hitting nang ipasok nito ang dalawang runs sa third inning na nagselyo sa panalo.

Isang standing double ang kinuha ni Bernardino kay UE pitcher Jan Aribal upang linisin ang mga nasa bases na sina Elma Parohinog at Queeny Sabobo.

Si Parahinog ay tu­mung­tong sa isang fielder’s choice habng si Sabobo ay nakatungtong ng base sa isang hit.

Sa 5-0 karta ng Lady Falcons, kailangan na la­mang nilang maduplika ang ipinakitang laro sa se­cond round upang mapagtagumpayan na mapanati­ling sa paaralan ang titulo.

Ang kabiguan ng Lady Warriors ay nagresulta para bumagsak sila sa 3-2 karta para sa ikatlong puwesto.

Inangkin ng UP ang solo-ikalawang puwesto sa 4-1 karta sa pamamagitan ng 4-0 shutout panalo sa La Salle na nalaglag sa 0-5 baraha.

May 2-5 karta ang runner-up noong nakaraang season na UST matapos ang 8-3 panalo sa Ateneo na may 1-4 baraha.  

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

BERNARDINO

ELMA PAROHINOG

JAN ARIBAL

LA SALLE

LADY FALCONS

LADY WARRIORS

QUEENY SABOBO

RIZAL MEMORIAL FIELD

RIZZA BERNARDINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with