Rain or Shine ipininta ang 2-0 record
MANILA, Philippines - Hindi napangatawanan ni rookie Fil-Am Marcio Lassiter ang kanyang sinabi na patatahimikin niya si No. 2 overall pick Paul Lee.
Umiskor sina Lee at Jeff Chan ng tig-19 points upang tulungan ang Rain or Shine sa pagpinta ng ikalawang sunod na panalo mula sa 96-93 paggiba sa Powerade sa elimination round ng 2011-2012 PBA Philippine Cup kahapon sa Yñares Center sa Antipolo City.
“Paul Lee played a good game,” ani mentor Yeng Guiao sa dating kamador ng UE Red Warriors sa UAAP.
Si Lee ay may 21 points sa 94-93 panalo ng Rain or Shine sa Ginebra noong nakaraang Linggo .
Nagdagdag si Gabe Norwood ng 11 markers, habang may 10 si Ryan Araña para sa 2-0 baraha ng Elasto Painters kasalo ang Petron Blaze Boosters sa liderato at may 1-1 rekord ang Tigers.
Isang putback ni Doug Kramer ang nagbigay sa Powerade ng 93-92 lamang sa 1:37 ng fourth quarter kasunod ang drive ni Larry Rodriguez para sa 94-93 abante ng Rain or Shine sa 1:20 nito.
Rain or Shine 96 - Lee 19, Chan 19, Norwood 11, Araña 10, Quinahan 9, Rodriguez 8, Belga 7, Buenafe 6, Ibanes 3, Cruz 2, Matias 2.
Powerade 93 - Kramer 16, David 14, Anthony 13, Lingganay 12, Lassiter 12, Calimag 11, Cruz 7, Martinez 3, Adducul 3, Crisano 2, Allera 0, Antonio 0.
Quarterscores: 21-21, 40-39, 68-65, 96-93.
- Latest
- Trending