^

PSN Palaro

Pacquiao kikita ng $20M kay Marquez

-

MANILA, Philippines - Kailangan ng higit sa $20 milyon para makumbinsi si Manny Pacquiao na lumaban sa isang boksingero.

Kinumpirma ng Filipino boxing icon na higit sa $20 milyon (P840 milyon) ang kanyang matatanggap para sa kanilang laban ni Mexican Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12.

 “Mahigit pa dun,” sabi ni Pacquiao sa ilang reporter bago bumalik sa bansa matapos ang isang four-city world press tour nila ni Marqauez.

Ngunit hindi na nagbigay pa ng detalye si Pacquiao kundi tiniyak niyang mas malaki ang kanyang tatanggapin kesa sa kanyang nakuha sa kanilang laban ni Sugar Shane Mosley noong Mayo.

“Mas malaki na,” ani Pacquiao.

Ang sinasabi niya ay ang kanyang makukuhang guaranteed purse kung saan inaasahang makakatanggap siya ng higit sa $30 milyon (P1.2 bilyon) matapos ang kanilang ‘trilogy’ ni Marquez.

Makakapagbulsa rin si Pacquiao ng pera mula sa mga pay-per-view sales, live gate receipts, television rights, merchandise at kahit anumang maibebenta.

Inaasahan ni promoter Bob Arum na malalagpasan ng Pacquiao-Marquez bout ang 1.3 million-plus hits sa pay-per-view ng Pacquiao-Mosley fight.

Tatanggap naman ang 38-anyos na si Marquez ng $5 million sa labang ito.

vuukle comment

BOB ARUM

INAASAHAN

KAILANGAN

KINUMPIRMA

MAHIGIT

MARQUEZ

MEXICAN JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

SUGAR SHANE MOSLEY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with