^

PSN Palaro

Llamados ibinangon ni Simon sa panalo

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Hindi siya si Stefhon Hannah. Ngunit sa kanyang game-high 33 points, daig pa ni Peter June Simon ang kanilang 5-foot-11 import.

Humugot si Simon ng 17 points sa second period, habang nagdagdag naman si Joe Devance ng 21 at 14 si James Yap upang tu­lungan ang B-Meg Derby Ace sa 103-90 paggupo sa Powerade sa elimination round ng 2011 PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

May 8 markers lamang si Hannah para sa 1-1 baraha ng Llamados, buma­ngon mula sa isang 16-point deficit sa first quarter para ipalasap sa Tigers ang ikalawang sunod nitong kamalasan.

“Malaking bagay talaga sila Kerby, Rico, Rafi,” ani Simon sa may mga injury na sina Kerby Raymundo, Rico Maierhofer at Rafi Reavis. “Hopefully, maka­balik kaagad sila kasi kami lang ni James ang inaasahan sa ngayon eh.”

Matapos itayo ng Po­werade, nakahugot ng 17 points kay 6’6 import Chris Porter, ang malaking 29-13 abante sa 1:59 ng opening period, sumandig naman ang Derby Ace kina Simon, Devance at James Yap upang itabla ang laro sa 39-39 sa 5:12 ng second quarter mula sa kanilang pinakawalang 19-6 atake.

Isang three-point shot ni Simon sa pagsisimula ng third period ang nagbigay sa Llamados ng 52-48 bentahe patungo sa kanilang paglilista ng isang 14-point advantage, 72-58, kontra sa Tigers sa 1:52 nito buhat sa isang undergoal stab ni Jerwin Gaco.

Sa naturang yugto hu­­makot si Simon, may sprained ankle kagaya ni Roger Yap, ng 12 points.

Itinala ng Derby Ace ang pinakamalaki nilang lamang sa 15 puntos, 84-69, galing sa jumper ni Don Allado sa 8:53 ng final canto bago nakalapit ang Powerade sa 88-94 agwat sa huling 1:46 mula kina Porter, Sean Anthony at JR Quinahan.

Ang dalawang free­t­hrows ni Simon at slam dunk ni Marc Pingris buhat sa pasa ni Hannah ang muling naglayo sa Llamados sa 98-88 sa huling 1:01 ng laban.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

B-MEG DERBY ACE

CHRIS PORTER

DERBY ACE

DON ALLADO

GOVERNORS CUP

HANNAH

JAMES YAP

LLAMADOS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with