^

PSN Palaro

Pangil ng Azkals ibinaon sa Tigers

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Alam ng Philippine Azkals ang kahalagahan ng una nilang panalo.

Nakataya ang kani­lang kapalaran, tinalo ng Azkals ang Bengal Tigers ng Bangladesh, 3-0, upang tuluyan nang umabante sa tournament proper ng Asian Football Confede­ration (AFC) Challenge Cup sa 2011 kahapon sa Rangoon, Myanmar.

Tinapos ng Azkals ang kanilang kampanya sa group stage ng naturang tor­neo mula sa kanilang 5 points kasama rito ang 1-1 draw sa White Angels ng Myanmar noong Lunes at ang 0-0 scoreless draw sa Fighters ng Palestine noong Miyerkules.

Sa scoring system, ang won game ay may katumbas na 3 points, habang ang draw ay may 1 point.

Makakasama ng Azkals sa tournament proper ng AFC Challege Cup sa susunod na taon ang Pa­les­tine, tinalo ang Myanmar, 3-1, sa isa pang laro, na may 7 points.

Tumapos ang Bang­ladesh bilang ikatlo mula sa kanilang 3 points (1 win, 1 loss) kasunod ang Myan­mar na may 1 point (1 draw, 2 losses).

Ang baguhang si Filipino-Spanish striker Angel Aldeguer Guirado ang nag­sal­pak ng dalawang goals ng Azkals, samantalang si striker Ian Araneta ang nagpasok ng unang goal.

“Definitely, this is a great win for the team as well as for the Philippines,” sabi ni Araneta.

Naikonekta ni Araneta ang unang goal ng Natio­nals sa pang 41st minute ng first half matapos ang loose ball ni Guirado.

Isang header ni Guirado, pumalit sa may hamstring injury na si Phil Young­husband, mula sa pasa ni Araneta sa kaagahan ng second half ang nagbigay sa Azkals ng 2-0 lamang kontra Bengal Tigers.

Ipinasok ng Filipino-Spanish ang kanyang pa­ngalawang goal sa pang 80th minute matapos ma­kuha ang isang loose ball para sa kanyang sipa sa bottom left corner ng Bang­ladesh’s goal.

Bukod sa opensa ni­na Guirido at Araneta, ma­tin­ding depensa rin ang iti­nayo nina team captain Aly Borromeo, Anton del Rosario, Ray Jonsson at goalkeeper Neil Etheridge laban sa Bengal Tigers.

Bago sagupain ang Azkals, ginitla muna ng Bengal Tigers ang White Angels, 2-0, noong Miyer­kules.

vuukle comment

ALY BORROMEO

ANGEL ALDEGUER GUIRADO

ARANETA

ASIAN FOOTBALL CONFEDE

AZKALS

BENGAL TIGERS

CHALLEGE CUP

MYANMAR

SHY

WHITE ANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with