^

PSN Palaro

Azkals reresbak

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Nangako ang Philippine men’s team na Azkals na babawi mula sa nakapanghihinayang nilang draw sa White Angels ng Myanmar sa pakikipag­sagupa sa Palestine nga­yon sa group stage ng 2011 AFC Challenge Cup sa Rangoon, Myanmar.

Nagtapos sa 1-1 ang na­turang laro ng Azkals at White Angels para sa kanilang tig-1 points. Ayon sa scoring system, ang won game ay may katumbas na 3 points at ang draw ay 1 point.

Kung makakaipon ang Azkals ng 6 points ay tulu­yan na silang makakapasok sa tournament proper ng AFC Challenge Cup sa susunod na taon.

“Heartbreaking result for us yesterday! So close to getting the massive 3 points against the host team!.. Palestine up next and need a W!!,” sabi ni team captain Aly Borromeo kahapon sa kanyang Twitter account.

Matapos ang penalty kick ni James Younghusband na nagbigay sa Azkals ng 1-0 lamang sa pang 76th minute ng second half, isang free kick naman ang naipasok ni Khin Maung Lwin na nagtabla sa White Angels sa 1-1.

Ang free kick ni Lwin ay nagmula sa foul ni Fil-Briton Simon Greatwich sa huling minuto ng extra time.

“Very unfortunate. Per­so­nally, I don’t think it’s a foul but the team played well,” sabi ni Fil-Briton goalkeeper Neil Etheridge.

Isang scoress draw ang nangyari sa unang pagta­tagpo ng Azkals at White Angels noong Disyembre sa AFC Suzuki Cup sa Vietnam.

Matapos ang Palestine, ang Bangladesh naman ang sasagupain ng Azkals sa Biyernes para sa kani­lang huling laro.  

Umabante ang Azkals sa group stage nang ta lu­nin ang Blue Wolves ng Mongolia via 3-2 aggregate goal.

Tinalo ng Azkals ang Blue Wolves, 2-0, noong Pebrero 9 sa Panaad Stadium sa Bacolod City bago nanalo ang huli, 2-1, sa ka nilang ikalawang pagkikita noong Marso 15 sa Ulan Bator, Mongolia.

Sa kanilang ikalawang paghaharap ng White Angels nakuha ni striker Phil Younghusband ang kanyang hamstring injury.

Tatlong linggo ang ka­kailanganin ng 22-anyos na si Phil para maka-recover sa nasabing injury, ayon kay German coach Michael Weiss. 

vuukle comment

ALY BORROMEO

AZKALS

BACOLOD CITY

BLUE WOLVES

CHALLENGE CUP

FIL-BRITON SIMON GREATWICH

JAMES YOUNGHUSBAND

KHIN MAUNG LWIN

SHY

WHITE ANGELS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with