Pagulayan Derby Classic Champion
() - January 27, 2011 - 12:00am

MANILA, Philippines - Pinayukod ni Alex “The Lion” Pagulayan ang kababayang si Ronato “Volcano” Alcano sa isang all-Filipino finale upang angkinin ang 9-ball banks division ng 13th Annual Derby City Classic na ginanap sa Horseshoe Casino sa Elizabeth, India­na, USA.

Ibinulsa ng pambato ng Cabagan, Isabela ang top prize na $10,000 para sa kanyang panalo.

“This is the first year I’m not tired yet,” sabi ni Pa­gulayan, namahinga sa Las Vegas, Nevada bago bumalik sa paglalaro ng bil­yar. “Matagal-tagal na din tayong hindi nagkampeon kasi matagal din tayong na­hinto sa paglalaro.

Si Pagulayan ang da­ting World 9-ball at US Open 9-ball champion.

Nakatakdang suma­bak si Pagulayan sa Fat Boy 10-ball challenge na haha­taw ngayong araw. Si Effren “Bata” Reyes ang nagkampeon sa naturang torneo noong nakaraang taon matapos talunin si ho­metown hero Brandon Shuff , 15-8.

Si Reyes ay nabigong makalaro sa ngayong edition dahil sa back problems, ayon sa ulat ng official website AZ Billiards.com.

ALCANO ANNUAL DERBY CITY CLASSIC BRANDON SHUFF FAT BOY HORSESHOE CASINO LAS VEGAS PAGULAYAN SHY SI EFFREN SI PAGULAYAN SI REYES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with